Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom, nagpapasaya sa mundo ni Carla

102615 Tom Rodriguez Carla Abellana
LOVE zoned! Akala ko bibigay si Tom Rodriguez sa pagpapaliwanag sa press sa binuksan naman na nilang takbo ng pagkakaibigan at relasyon ni Carla Abellana sa presscon ng bago nilang pelikula for Regal Films, ang rom-com No Boyfriend Since Birth directed by Jose Javier Reyes.

Umamin na kasi si Tom na they are exclusively dating. At hindi naman nila itatago ‘yun sa press. But there are certain things din naman daw na inire-request nilang hayaan na lang para sa kanilang dalawa.

Ang nausisa naming naka-observe sa pagsasama ng dalawa sa set eh, si direk Joey.

Nakita raw niya ang difference ng dalawa na matagal na niyang alam. The magna cum laude na si  Carla na tahimik at may sariling mundo. At ang geek naman na super funny na si Tom.

Nag-iiba raw ‘pag nagsama ang dalawa dahil nagiging masayahin na si Carla sa mga kalokohan ni Tom, so never a dull moment. Nakita nga raw ni direk ang pagkakaiba ng dalawa sa mga personalidad nila, when it comes to love-naiiba at nagbabago ang lahat!

Boyfriend and girlfriend material. That’s what they are!

Pero kaloka ang karakter ni Carla sa movie na since high school itinalaga na sa sarili na si Tom ang magiging boyfriend niya maski pa marami na ang nangyari at nagdaan sa buhay nila.

Where the conflict lies is what will be revealed as it opens in 500 ba? theaters nationwide sa November 11!

Lampas tenga na naman for sure ang magiging ngiti ni Mother Lily M!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …