Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team manager ng Rain or Shine nagretiro na

052515 ROSPORMAL na nagretiro si Luciano “Boy” Lapid bilang team manager ng Rain or Shine sa PBA.

Ayon sa kanyang kapalit na si Jay Legacion, nagpaalam si Lapid sa pamunuan ng Elasto Painters dahil sa kanyang matagal na iniindang sakit.

“Coach Boy suffered a stroke a few months ago at ang anak niya ang nagda-drive ng kotse going to the games,” wika ni Legacion.

Matagal na nagsilbi si Lapid sa Rain or Shine simula pa noong 1996 bilang head coach ng koponan noong  nagsisimula pa ito sa Philippine Basketball League bilang Welcoat.

Pagkatapos ay naging team manager siya ng Elasto Painters mula 1997 hanggang 2006 at nang pumasok ang koponan sa PBA ay ito rin ang kanyang naging trabaho.

Nagtala ang ROS ng una nitong panalo sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup pagkatapos na pulbusin nito ang Star Hotdog, 96-87, noong isang gabi sa Mall of Asia Arena.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …