Saturday , November 23 2024

Ex-Speaker Fuentebella, misis swak sa plunder?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG kalaboso rin ang kasasadlakan ng political career ng mag-asawang Arnulfo Fuentebella at mayor Mayor Evelyn Fuentebella ng Sagay, Camarines Sur.

Sinampahan kasi sila ng kasong PLUNDER sa Office of the Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng  pagkakamal ng P186 milyones.

Isang anti-corruption group na ZeroTolerance.org ang naghain ng kaso.

Anila, kailangan maharap sa kasong plunder ang mag-asawa dahil sa hindi maipaliwanag na yaman na hindi idineklara sa Statements of Assets and Liabilities Net-worth (SALN).

Mayroon daw kuwestiyonableng P83.147 milyon ari-arian. P20.96 milyon mula sa pork barrel funds, P43.351 milyon na government project na itinayo sa loob ng pribadong pag-aari, P12.2 milyon sasakyan at P25 milyon mansiyon.

Masyado umanong misteryoso ang yaman ng mag-asawa dahil wala naman silang ibang hanapbuhay o negosyo kundi ang  suweldo lamang sa gobyerno.

Naaalala pa ng inyong lingkod na si dating Speaker Arnulfo Fuentebella ang ka-lunchdate ng P3M-Division ng Comelec sa Diamond Hotel noong tumatakbo ang kanilang anak na si Whimpy.

Mukhang gusto nang gawing negosyo ng mga Fuentebella ang pamomolitika sa Camarines Sur.

Unsolicited advice lang po sa mga Fuentebella… MAHIYA KAYO, oy!

Wala na bang pag-asang mapatino ang Bilibid sa Muntinlupa?

KAHIT yata sino ang ilagay na Director sa National Bilibid Prison (NBP) ay hindi na mapuputol ang ‘pananalaytay’ ng mga sindikatong nagpapatakbo ng droga, human trafficking as in prostitution, ilegal na  bentahan ng alak at iba pang raket para lamang may mailaman sa kanilang mga bulsa.

At napaka-normal nang ganyang mga pangyayari lalo na kung maraming opisyal na rin ang nakikinabang.

Kumbaga, NAGKAKAALAMAN na!

Kung hindi tayo nagkakamali, napakaraming trabaho gaya ng pagpapaunlad ng kanilang skills & talents ng mga preso para maging kapaki-pakinabang silang mamamayan kahit nakakulong sila pero mukhang maraming galamay ang mga sindikato riyan para marahuyong makilahok sa kanila ‘yung mga gustong tumino.

Marami po kasing preso ang ‘breadwinner’ ng kanilang pamilya kaya kahit nakakulong na, sila pa rin ang inaasahan. Kaya hanggang sa loob, marami ang nag-iisip kung paano sila kikita.

At diyan po nag-uumpisa ang galamay ng sindikat0…

Sinasadya silang tuksuhin.

Kaya kahit sino pa siguro ang ilagay diyan sa NBP hangga’t hindi naaaresto kung ano talaga ang problema ‘e hindi magkakaroon ng katinuan ‘yan.

Nagbabago lang ang kanilang anyo personally pero napakabagal patinuin ng kanilang ‘nakahiratiang’ sistema.

Tsk tsk tsk…

Sabi ng isang opisyal sa Bureau of Immigration:  “Made na ako, no worries, kahit  sibakin pa nila ako ngayon…”

ISANG impormante natin ang nagkuwento sa inyong lingkod tungkol sa naulinigan niyang pakikipaghuntahan ng isang mataas na opisyal sa isa ring kapwa niya opisyal.

Sabi daw no’ng mataas na opisyal sa kausap niyang opisyal… “Mukhang mainit na sa akin sa ‘itaas’ at mukhang sisibakin na raw ako…”

Medyo, nagpapalungkot at nagpapaawa pa umano na para bang luluha ang mga mata no’ng sinabing mataas na opisyal…

Pero maya-maya ‘e biglang mayabang na nagpahayag na: “Anyway, MADE NA AKO, no worries kahit sibakin pa nila ngayon!”

Pakengsyet!

Ang kapalmuks mo talaga!

Mantakin ninyong ipagmalaking “MADE” na raw siya?!

“Made” as in sa tulong ba ‘yan ng mga madalas na pinatatakas na mga notorious foreign fugitives?! O sa lifting ng mga blacklist order?

At kung ano-anong quota visa transactions?!

Sabagay, balitang napakaraming property raw niya sa Bataan na nakapangalan sa isa niyang kaibigan.

Well, ‘e kung made ka na nga, aba ‘e ‘di mag-RESIGN o LUMAYAS ka na!

Ano ba ang gusto mo ‘hurutin’ ang kabuhayan ng mga tao sa BI pabor sa sarili mo at sa mga super-sipsip na alipores mo?!

Uwi ka na boy papogi!

Pemberton’s deportation order ginawang pampapogi pero… silat at palpak!

HETO na naman si POGI…

Dahil bago na ang kanilang bossing sa Department of Justice, aba ‘e bigla ba namang nagpa-press release na aprobado na ang Deportation Order ni US Marine Serviceman Joseph Scott Pemberton na kasalukuyang nililitis sa murder case ng isang Filipino transgender woman na si Jennifer Laude.

May tatlong buwan na palang napirmahan ‘yang deportation order ‘e bakit ngayon lang inilabas!?

Papogi na naman ba ‘yan!?

Ayun pati tuloy ang bagong upong si Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa nadamay sa ngitngit ng Gabriela at Bahaghari LGBT Coalition.

Kagaling mo ‘e!

Mahigpit ngayon ang panawagan ng Gabriela at Bahaghari LGBT Coalition, ibasura ang deportation order ni Pemberton, tapusin ang paglilitis sa bansa at kinakailangan din na rito siya ikulong para pagdusahan ang krimen na kanyang ginawa.

Higit sa lahat, mukhang araw-araw ‘e magra-rally sa DOJ at sa BI ang Gabriela at Bahaghari para tiyakin na mahahatulan si Pemberton at mapagdudusahan niya sa Philippines my Philippines ang pagpaslang kay Jennifer.

Hayan ang PAPOGI-EPEK…rally araw-araw…

Sige PAPOGI pa more!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *