Thursday , December 26 2024

Eat Bulaga, ang natatanging Pambansang Noontime Show ng Pilipinas!

071615 eat bulaga

00 Alam mo na NonieILANG dekada nang bahagi ng pananghalian ng maraming Filipino ang Eat Bulaga, ang longest running noontime show ng bansa (at sa buong mundo?)! Pero ang ginawa nilang record-breaking feat sa Philippine Arena last Saturday via Tamang Panahon ay mahirap malimutan at nakaukit na sa kasaysayan ng Philippine Television. Hinding-hindi ito malilimutan, hindi lang ng mga Dabarkadas o fans ng Eat Bulaga, kundi ng milyon-milyong tao sa buong mundo.

Unang-una, hanep at ibang klase ang ipinakitang suporta ng Sambayanang Filipino sa Pambansang Noontime Show ng Bayan. Grabe ang ginawa nila last Saturday na napuno ang 55,000 seater na Philippine Arena na sa aming palagay ay isang bagong world record.

At ang isa pang definitely ay kompirmadong world record ay ang #ALDubEBTamangPanahon na nakakuha ng 39,522,300 tweets (ito ay katumbas ng 1,646,763 average tweets per hour) at sumira sa previous world record na 35.6 million tweets na naitala ng #WorldCup match sa pagitan ng Brazil at Germany noong 2014.

Ang nakakabilib pa kaya dapat talagang saluduhan ang EB ay ang ginawa nilang no-commercial break sa loob ng tatlong oras! Imagine, solid na entertainment, tawanan, at kasiyahan ang hinandog nila sa buong Sambayanang Filipino! Hindi ako sure, pero maaaring another record din ito bilang first time na ginawa ng isang noontime show na nagpalabas ng tatlong oras na diretso na walang commercial break.

Pero ang mas bumilib ako nang todo sa lahat sa mga EB Dabarkads ay ang gesture nilang i-donate ang kabuuang P14 milyon na total ticket sales sa event na iyon sa mga nasalanta ng bagyong Lando at para ipampagawa ng mga library sa Luzon, Visayas, at Mindanao na pakikinabangan ng napakaraming tao, lalo na ng mga kabataang mag-aaral.

Kaya ako ay labis na sumasaludo sa lahat ng tao sa likod ng Eat Bulaga like sina Sen. Tito at Vic Sotto at Joey de Leon. Pati na sina Ruby Rodriguez, Jimmmy Santos, Ryan Agoncillo, Keempee de Leon, Julia Clarete, Anjo Yllana, Michael V. Allan K, Pia Guanio, Pauleen Luna, Patricia Tumulak, at Ryza mae Dizon. Pati na kina sa mga bossing nila na sina Mr. Tony Tuviera, Malou Choa Fagar, at iba pa.

Pero siyempre pa, dapat bigyang papuri ang bida sa Kalyeserye na sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza na mas kilala bilang Aldub dahil sa rami nilang pinasyang tao.

Siyempre pa (ulit), kina Lola Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo) at Tidora (Paolo Ballesteros) sa kanilang napakalaking kontribusyon sa tinatamasang kasikatan ng AlDub.

Again, maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *