Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Jovit Moya na si Rob Moya, mag-aartista na rin!

102615 Rob Moya

00 Alam mo na NonieSASABAK na rin sa pag-aartista si Rob Moya, anak ng dating That’s Entertainment member na si Jovit Moya. Hilig daw talaga ni Rob ang pag-aartista, kaya mula sa pagiging ramp and commercial model ay gusto niyang umarte na rin sa harap ng camera.

Ngayon ay nakatakda niyang gawin ang unang pelikulang pinamagatang Nuclear Family sa BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Ito ay mula kay Direk Jason Paul Laxamana at pagbibidahan nina Snooky Serna, Rodjun Cruz, Ezekiel Jash, ArronVillaflor, at iba pa.

Si Rob ay laki sa Japan at sa Osaka siya nagsimula bilang model ng Uniqlo. “Sa Japan ako nag-graduate ng elementary, tapos part high school… Tapos nag-work ako, I started as a dishwasher boy sa isang ramen restaurant.

“Then, I was walking around the street doon sa Osaka, then isang fashion designer from Uniqlo give me a big break. And then from there nag-bloom na yung modeling career ko,” nakangiting saad ni Rob.

Pahabol pa niya, “I started my career as a model, nag-start ako sa Japan as a professional model. So, nag-ramp ako for Uniqlo for a couple of years and then I decided to move here sa Philippines and I started doing commercials naman.”

Sinabi rin niyang hindi siya nanghihinayang sa modelling career sa Japan dahil mas gusto niyang maging actor. “Kasi for me, mas gusto ko yung maging actor. You know, for me being an actor is my passion. I love it. I love what I do.”

Ayon pa sa 21 year old na binata, may basbas ba ng father niya ang kanyang pagpasok sa showbiz. “Ang payo niya sa akin, just have fun and at the same time, pero mag-ingat.”

Handa ka na ba sa intriga? “Oo naman. Ready na ako. Bata pa lang ako, makapal na mukha ko, e,” nakatawang sagot ni Rob.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …