MARAMING nagsusulputang fan theories, ngunit mapapaisip tayo sa isang ito.
Isang YouTuber sa pangalang BarelyHuman11 ang nag-post ng 12-minute video na nagsasabing ang 1985 film “Back to the Future” ay coded ng mga tumutukoy sa 9/11 attacks, na nangyari makalipas ang 16 taon.
Tinukoy ng theorist ang Twin Pines mall sa pelikula, kung saan ang karakter ni Christopher Lloyd ay inatake ng Libyan terrorists. Ang Twin Pines ay sinasabing tumutukoy sa Twin Towers.
Dagdag pa rito, ayon sa pelikula, ang pag-atake ay naganap dakong 1:16 a.m – at kapag binaliktad ang sign ito ay mababasa bilang ”91: 1.”
At siyempre, walang paliwanag kung bakit babasahin ito ng sinoman nang pabaliktad.
“Is this only a coincidence?” tanong ng narrator ng video. (THE HUFFINGTON POST)