Monday , December 23 2024

Private citizen ayaw maging senador si Pacman (Absenero kasi…)

Newly elected Philippine congressman and world boxing champion Manny Pacquiao yawns during the opening ceremony of the 15th Philippine Congress in Quezon City, Metro Manila July 26, 2010.  Philippine President Benigno Aquino III will outline his political agenda when Congress sits on Monday for the first time since the May election, and analysts hope he uses the platform to move beyond his campaign rhetoric. REUTERS/Erik de Castro (PHILIPPINES - Tags: POLITICS SPORT BOXING)
Newly elected Philippine congressman and world boxing champion Manny Pacquiao yawns during the opening ceremony of the 15th Philippine Congress in Quezon City, Metro Manila July 26, 2010. Philippine President Benigno Aquino III will outline his political agenda when Congress sits on Monday for the first time since the May election, and analysts hope he uses the platform to move beyond his campaign rhetoric. REUTERS/Erik de Castro (PHILIPPINES – Tags: POLITICS SPORT BOXING)

BUKOD sa kulang ang kuwalipikasyon, absenerong mambabatas mula sa Saranggani si Emmanuel “Manny” Pacquiao o mas kilala sa tawag na Pacman.

Ayon sa petitioner, kulang na kulang sa kuwalipikasyon si Pacman kung aambisyonin niyang maging isang Senador.

‘Yung kuwalipikasyon, sabi nga ng matatandang politiko, madaling remedyohan ‘yan.

Pwedeng kumuha ng magagaling na legal advisers o sulsoltants ‘este’ consultants si Pacman.

Mukhang madali rin naman siyang i-tutor para mahasa siya sa deliberasyon sa Plenary Hall.

Sa panahon na wala siyang laban, pwede niyang ibuhos sa pagbabasa ang kanyang oras para naman makaangkop siya sa kanyang gawain bilang mambabatas.

Pero iba ang problema ni Pacman.

Ang problema niya sa paglilingkod sa sambayanan ay ‘yung hindi niya alam kung ano raw ang kanyang PRIORITIES.

Hindi niya mabitawan ang kanyang pagiging boksingero dahil siyempre ‘yan ang bread and butter niya.

At hindi simpleng bread & butter. Boxing made him a billionaire.

Aber, paano mong bibitiwan ang pagiging boksingero kung ‘yan ang nagbibigay sa iyo nang milyon-milyon o bilyones pa?!

Masyado rin siyang busy sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos ‘di ba?

Kaya hindi na tayo nagtataka kung maging ABSENERO man siya sa Kongreso.

At ‘yun ang dapat arestohin ni Pacman. ‘Yung dahilan ng pagiging absenero niya. Pero sa sistema ng kanyang buhay, napakaimposibleng mangyari iyon.

Mas dapat nga sigurong tigilan niya ang pagpasok sa politika, dahil sa karanasan hindi naman niya ito nagagampanan nang tama.

Dapat siyang mahiya sa sambayanan.

Marami tayong mga kababayan na handang maglingkod at kayang ibigay ang kanilang buong oras at talino para maging mambabatas.

Marami silang mga tunay at deserving na maging mambabatas… ‘yun nga lang hindi nila magiba-giba sa ‘PODER’ ang sistematikong pagpupundar ng mga  miyembro ng dinastiya sa politikang Pinoy.

Kaya unsolicited advice lang kay Pacman, malaking tulong mo na sa sambayanan na tantanan ang pag-aambisyon sa politika…

Please lang, Manny.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *