Friday , November 15 2024

Private citizen ayaw maging senador si Pacman (Absenero kasi…)

00 Bulabugin jerry yap jsyBUKOD sa kulang ang kuwalipikasyon, absenerong mambabatas mula sa Saranggani si Emmanuel “Manny” Pacquiao o mas kilala sa tawag na Pacman.

Ayon sa petitioner, kulang na kulang sa kuwalipikasyon si Pacman kung aambisyonin niyang maging isang Senador.

‘Yung kuwalipikasyon, sabi nga ng matatandang politiko, madaling remedyohan ‘yan.

Pwedeng kumuha ng magagaling na legal advisers o sulsoltants ‘este’ consultants si Pacman.

Mukhang madali rin naman siyang i-tutor para mahasa siya sa deliberasyon sa Plenary Hall.

Sa panahon na wala siyang laban, pwede niyang ibuhos sa pagbabasa ang kanyang oras para naman makaangkop siya sa kanyang gawain bilang mambabatas.

Pero iba ang problema ni Pacman.

Ang problema niya sa paglilingkod sa sambayanan ay ‘yung hindi niya alam kung ano raw ang kanyang PRIORITIES.

Hindi niya mabitawan ang kanyang pagiging boksingero dahil siyempre ‘yan ang bread and butter niya.

At hindi simpleng bread & butter. Boxing made him a billionaire.

Aber, paano mong bibitiwan ang pagiging boksingero kung ‘yan ang nagbibigay sa iyo nang milyon-milyon o bilyones pa?!

Masyado rin siyang busy sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos ‘di ba?

Kaya hindi na tayo nagtataka kung maging ABSENERO man siya sa Kongreso.

At ‘yun ang dapat arestohin ni Pacman. ‘Yung dahilan ng pagiging absenero niya. Pero sa sistema ng kanyang buhay, napakaimposibleng mangyari iyon.

Mas dapat nga sigurong tigilan niya ang pagpasok sa politika, dahil sa karanasan hindi naman niya ito nagagampanan nang tama.

Dapat siyang mahiya sa sambayanan.

Marami tayong mga kababayan na handang maglingkod at kayang ibigay ang kanilang buong oras at talino para maging mambabatas.

Marami silang mga tunay at deserving na maging mambabatas… ‘yun nga lang hindi nila magiba-giba sa ‘PODER’ ang sistematikong pagpupundar ng mga  miyembro ng dinastiya sa politikang Pinoy.

Kaya unsolicited advice lang kay Pacman, malaking tulong mo na sa sambayanan na tantanan ang pag-aambisyon sa politika…

Please lang, Manny.

Marami na namang gustong magsenador

SA DISYEMBRE 10, ilalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga naaprubahang kandidato.

Sasalain ng Comelec ang mga naghain ng certificate of candidacy (COC) kung sila nga ba ay may kakayahan at karapat-dapat manligaw sa mamamayan para maging Senador sa 17th Congress.

Ilan sa kanila ay personal na ini-appoint ng ama o ina para saluhin ang kanilang puwesto.

Mayroong mga dating opisyal ng gobyerno na gustong makabalik sa pamamagitan ng elective position.

‘Yung iba naman, mga recycle. Kumbaga, dati nang Senador at gustong makabalik.

Meron naman kahit laging olat ay hindi pa rin nadadala sa pagtakbo.

Habang ‘yung iba ay inatasan para mangalaga sa mga ‘poste’ sa Senado na parang tangan na ng kanilang pamilya o dinastiya.

Labindalawa  lang  ang  pipiliing  Senador, ilang COC kaya ang maapbrubahan?!

 Aabangan po natin ‘yan!

Manyakis in-tandem sa BI-NAIA

Panibagong issue tungkol kay Johnny “Extra Small” Bravo. Dumarami raw ang nagrereklamong babaeng Immigration Officers (IO) lalo na ‘yung mga bata pa na naka-assign sa BI-NAIA.

Naging hobby raw kasi nito ang mang-akbay with matching slide pa ng kamay sa likod ng mga babaeng IO.

Sanamabits!!! Aba bawal ‘yan parekoy!

Sexual harassment ‘yan bata!

Palibhasa raw feel na feel ng mokong ang pagiging hepe kaya sinasamantala. Hindi naman makaangal ang mga kawawang babaeng IO kahit sobrang naiirita na sila at nagngingitngit sa galit kay “extra small!”

Hindi lang daw pang-aakbay at pantatsansing ang nakagawian nito. Kung makatingin din daw sa mga babae sa airport halos lumuwa na raw ang mata na parang hinuhubaran ang bawat magandang IO na tinititigan!

Todo patigas-etits pala itong si Bugoy!

Sabagay marami talagang ganyan diyan sa airport lalo na kapag nabibigyan ng konting posis-yon. Meron nga rin diyan na isang Immigration Intel agent na feel na feel din ang kanyang kili-kili power.

Nabansagan tuloy siyang Batanggenyong manyakol sa NAIA na talaga namang sobra rin sa pagka-bogli!

Eeeewww!!!

Pero iba rin ang trip nitong si Batanggenyong manyakol. Mga pasahero naman na na-off-load at flight stewardess ang tina-target nito.

Tamang-tama pala ang partnership nila ni Mr. Extra Small. Mas bagay siguro tawagin ‘yang dalawang bugoy na ‘yan na “Manyakis-In-Tandem!”

Well, Mr. Extra Small, bawal ‘yang ginagawa mo! Hindi ka ba kinikilabutan sa style mo?

Swak na swak ka sa R.A. 7610 once na inireklamo ka ng mga IO na pinagpapantasyahan mo, bugoy ka!!

A friendly advice Mr. Johnny B, if I were you, mag-concentrate ka na lang sa trabaho mo. Hindi ka pa ba kontento riyan kay IO Bebethsky?!

At least diyan safe ka sa reklamo!

Or better pagtiyagaan mo na si Maryang Palad kung talagang tigas etits ka!

Mas mabuti ‘yan kaysa naman makasuhan ka!

Desmayado rin sa DSWD ni Dinky Soliman

  1. JERRY YAP of Bulabugin –Hataw & Police Files good morning po. ‘Wag n’yo na po i-post name ko. Originally text po talaga send ko kaya lang napahaba message ko.

Matanong ko lang po. Ano po ba ang qualifications para maging head ng DSWD?

Madali po kasi solusyonan ‘yung pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Dapat lang may sense of urgency. At dapat inuuna ang karapatan ng nakararami hindi ‘yung pagsasampa ng kaso kay Mr. Willie Revillame. Naiinis po kasi ako sa issues ng DSWD e: 

  1. Bagyong Ondoy (relief goods na nabubulok lang sa warehouse) 

  2. Bagyong Yolanda, & earthquake at Cebu 

  3. Typhoons that I can’t recall the names. 

  4. Now Bagyong Lando. 

For crying out loud! Ang daming donations from other countries, and foundation all over the world and our country, and yet still don’t know what to do and how to do it? That’s a full load of crap! You have the resource and manpower na kailangan para gumalaw pero ‘di alam ang purpose ng departamento!? Palitan na yang head na ‘yan! 

Walang kwenta ang edukasyon at ang karanasan kung hindi ito kayang gamitin sa tamang paraan at timing!

(Pasensya na po ha naiinis lang ako sa lahat ng issues na di nireresolba agad ng DSWD)

Meron pa dapat na paghandaan ang DSWD, ang possibility ng malakas na lindol sa bansa or the “Big One” ‘ika sa balita. Worst case scenario sumabay ang ang tagtuyot sa ibang bahagi ng bansa at kailangan makipagtulungan sa ibang agency ng government. Those were the things to ponder on ng DSWD, government, and our countrymen while fulfilling their responsibilities for our country. 

Palitan na ‘yang DSWD Head na yan!

asogevo—@yahoo.com

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *