PHENOMENAL ang naging tagumpay ng Menudo na nagsimula noong dekada ‘80. Nakilala ang grupo hindi lang sa Latin region na kanilang pinagmulan kundi all over the world na nagkaroon ng milyong fans sa Amerika, Europe, Japan, Pilipinas at iba pang panig ng mundo.
Ang kanilang tagumpay ay nagbigay sa kanila ng multilingual album covers, major deals, at commercials with brands tulad ng Pepsi Cola. Hanggang ngayon, ang naturang Latin boy band’s record sa sales, concert attendance at appearances ay nananatiling untouched.
Sa kasaysayan ng mga boy band, ang Menudo ang may pinakamaraming list ng member na umabot ng 37. Bawat member kasi ay kailangan ng umalis sa grupo kapag nag-edad 16 na kaya umabot ng apat na dekada ang Menudomania.
Dinagsa rin ang concerts ng Menudo sa Sao Paulo Brazil, noong nagkonsiyerto sila roon na umano’y umabot sa 200,000 ang nanood. Sa Mexico, na-break din nila ang record ng pinakamaraming nanood sa isang concert dahil umabot sa 500,000 ang mga naghuhumiyaw na fans na nanood ng concert.
Noong April 11, 1985, unang bumisita ang Menudo sa Manila na nag-produce ng ilang show para sa kanilang fans at agad itong nasundan that same year makaraan lamang ang anim na buwan.
Isa sa very memorable acts ng concert ng grupo ay ang opening number nila kasama si Lea Salonga.
At pagkatapos ng 30 taon, muling magbabalik sa Pilipinas ang Menudo para sa kanilang reunion concert na magaganap on December 15, sa same stage ng Araneta Coliseum na una silang nagdaos ng kanilang konsiyerto.
Kabilang sa magpe-perform ang mga dating Menudo members na sina Rene Farrait (1977-1982), Charlie Masso (1982-1987), Miguel Cancel (1981-1983),Ray Reys (1983-1985) at Robert Avellanet (1988-1991).
Kakantahin ng grupo ang kanilang their classic hits tulad ng Explosion, If You’re Not Here, Lady, at I’m Coming Back to Manila at marami pang iba.
Para sa ticket, mag-log on to www.ticketnet.com.ph or call 911-5555 today! For concert info go to www.lmmusicagency.com.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio