Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Louie, AlDub fans ang inspirasyon sa MTV ni Alden

102315 Direk Louie aldub

00 Alam mo na NonieKARGADO sa pampakilig ang MTV ng single ni Alden Richards na pinamagatang Wish I May. Sa panayam namin via Facebook kay Direk Louie Ignacio na si-yang nag-direk at nag-conceptualize nito, sinabi niyang ga-ling sa AlDub fans ang nakuha niyang idea para buuin ang MTV ni Alden.

Simple lang daw ang naisip niyang MTV ni Alden, pero may sincerity ito at talagang umaapaw sa pampakilig.

“Na-conceptualized ko ang MTV nito base sa mga nakukuha kong reactions ng mga followers ng AlDub nation. Kai-langan kilig at simple lang. Da-pat mai-in love ka kay Alden ‘pag napanood mo. Gusto ko rin lu-mabas sa video ang totoong Alden na sweet, simple… pero sobrang mabait na kahit babae o lalaki man, magugustuhan siya.

“Sa music video rin, ipina-kita ko na kung ikaw ang nanonood ay parang ikaw din yung kinakantahan or hinaharana ni Alden. Makikita rin dito na parang kahit anong weather, sobrang lamig man ay kaya niyang magtiis at magpa-impress basta sa dulo ay sumaya ka lang,” saad ni Direk Louie.

“Basta dapat, abangan lang ang ending at huwag kukurap,” dagdag pa niya na ang tinutukoy ay ang ‘sorpresang paglitaw’ ni YayaDub o Maine Mendoza sa dulo ng naturang MTV.

First time nyo bang magsama sa isang MTV ni Alden at sinadya ba talagang maging kargado ito sa pampakilig para sa fans?

“Sa video (MTV), yes, first time namin magsama. Pero sa mga show, palagi kami magkasama at kung ano ang ugali niya noon eh walang pagbabago. Parang lalo pa nga si-yang naging humble, sa totoo lang.

“Nasa concept ko yung mga kilig, kasi dapat cool lang para cute.”

Ano ang comment mo direk, na unang araw na na-release yung album ni Alden ay Gold na agad ito?

“Kapag mabait na tao, talagang madaming blessings!” Ma-tipid na reaction ni Direk Louie.

Masasabi nyo ba na ang AlDub ay maituturing na gold mine ng TAPE at GMA7?

“YES na YEs!!!!” Sagot pa ni Direk.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …