Hanggang ngayon kasi’y si Benjie ang sinisisi ng ilan kung bakit hindi maganda ang pakikitungo ng dalawang binate sa kanilang ina.
Sa pakikipag-usap namin kay Benjie sa presscon ng Wang Fam na handog ngViva Films at pagsasamahan nila ni Pokwang, tila wala ng pag-asang makasama ni Jackie ang dalawang anak anumang effort ang gawin niya.
Anang PBA legend, ang mga anak lang niya ang makapagdedesisyon ng tungkol sa kanilang ina.
“Malalaki na sila, may sariling isip na ang mga iyan. At saka hindi na ako nakikialam pagdating diyan. Kung anuman ‘yung sinasabi (ni Jackie), hayaan na. Ganoon talaga,” ani Benjie.
Wini-wish ba niya na sana magkaayos na rin ang dalawang anak at si Jackie?
“Actually, wala naman akong wini-wish. Kung ano ang mangyayari…hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay sa mundo. Kasi ako, kung ano lang ‘yung mayroon ngayon, doon ako nagpo-focus. Kung ano ang mangyayari bukas at saka na lang natin ‘yun pag-usapan.”
Natanong din si Benjie ukol sa dating inihayag ni Jackie na kapag napuno ito at patuloy na dineadma ng kanyang mga anak ay may pasasabugin siya laban sa kanya, ano ang masasabi niya rito?
“Wala lang, hindi ko nga alam ‘yan, eh. Hindi na kasi ako nagbabasa ng dyaryo o ng mga video sa internet. Okey na rin ‘yun para tahimik lang.”
Samantala, first time magkakasama ang mag-amang Benjie at Andre, sa pelikulang Wam Fam ng Viva Films na idinirehe ni Wenn Deramas.
Ani Benjie, pasado naman sa kanya ang pagko-comedy ng anak at naniniwala siya na marami pang puwedeng ipakita ang binata pagdating sa pag-arte.
Nakilala si Andre sa mga pelikulang rom-com ng Viva at heavy drama naman siya sa serye ng GMA kaya na-challenge talaga ang binata sa pagsabak sa pagpapatawa.
Sinabi ni Andre na dahil sa galing magdirehe ni Deramas, nagawa niya ng tama ang mga eksena niya.
Sa kabilang banda, ito naman ang unang pagsabak ni Direk Wenn sa horror comedy genre.
Gagampanan ni Pokwang ang papel ni Malou, ang huling birhen sa isang aswang clan na kailangang ialay bilang sakripisyo sa survival ng kanilang lahi. Kapatid niya si Wendell Ramos na naatasang magsagawa ng pag-aalay pero mabubulilyaso nang makilala ni Malou ang botanis na si Bu Wang (Benjie).
Magpapakalayo ang pamilya Wang na nabiyayaan ng tatlong anak sina Duke (Andre), Cala (Abby Bautista), at Vey (Alonzo Muhlach). Sa isang lugar na kanilang tinitirhan makikilala ang suspetyosang landlady na si Kay Sera (Candy Pangilinan) na kasama ang anak na si Elenita (Yassi Pressman) na matitipuhan ni Duke.
Kasama rin sa Wam Fam sina Atak Arana, Joey Paras, at Dyosa Pohkoh. Showing na ito sa Nov. 18 nationwide na na-extend ang Halloween dahil sa pelikulang ito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio