Thursday , December 26 2024

Ang apat na babae sa buhay ni Chiz (Si Tintin, si Kris, si Heart at si Poe)

00 Bulabugin jerry yap jsyRESPETO sa babae at sa mga nakatatanda.

Isa ‘yan sa mga sukatan para masabing maginoo ang isang lalaki.

Ilang beses na bang nahantad sa publiko ang tila kawalan ng repspeto sa mga babae at nakatatanda ni Chiz?!

Maaaring hindi ito sa bruskong paraan, pero makikita ito kung paano niya itrato ang isang babae.

Sabi nga, si Chiz ay isang perennial user. Mukhang dito siya naging eksperto.

Edad 22-anyos pa lang si Chiz ay pinangarap na niyang pumasok sa politika pero pinagtapos muna siya ng abogasiya. Siyempre pundasyon ng pagiging politiko ‘yan.

Nakilala ni Chiz si Tintin na kumakanta sa isang hotel lounge at mukhang noon pa lang ay nakita na niya kung paano makatutulong sa kanyang political career.

Sa panahong iyon, niluluto na ni Chiz ang pagpasok niya sa politika, at nakita niyang adbentaha ang isang babaeng maganda, magaling kumanta pero hindi sosyalera at hindi magastos.

Kumbaga, wala siyang kaagaw sa limelight sakali mang ipakilala niya sa publiko ang kanyang karelasyon.

Tuso si Chiz. Lahat ng kanyang galaw ay planado. Lahat ng pakikipag-ugnayan niya sa tao ay may rason hindi pwedeng simpleng acquaintance lang.

Kaya hindi na nakapagtataka kung nauwi sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Tintin.

Kagulat-gulat na habang pumapailanlang ang pangalan ni Chiz sa mundo ng politika at serbisyo publiko ay hindi naman makita ni anino ng kanyang first lady.

Minsan nang pumutok ang pangalan ni Chiz na itinutulak para tumakbong presidente. Katunayan ilang ‘fund raising’ event na rin ang binuo at naganap para sa nasabing layunin.

Pero nenerbiyos yata si Chiz kaya umatras siya. Nagalit ang kanyang supporters & financiers.

Lumaylay at lumamlam ang political career ni Chiz. Kasunod nito, pumutok ang paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Tintin at ang itinuturong third party si Kris Aquino.

Dahil kay Kris, muling  pumutok ang pangalan ni Chiz. Negatibo man ang isyu, ang importante muli siyang napag-uusapan.

Hanggang maging sila ni Heart.

This time, the user begets what the user deserves. Kapwa ‘laos’ sa kani-kanilang karera sina Chiz at Heart nang sila ay magkita.

Pero sa dalawang panig, mas agrabyado si Heart. Maganda, heredera at kahit hindi sumikat sa showbiz, made na si Heart.

Si Chiz, sa panahong iyon ay isang bangkaroteng politiko. Maagang naging ex-future president. Walang naimarka sa Kamara at lalong hindi nagmamarka sa Senado bilang isang statesman.

Iba ang karisma ni Chiz sa bebot. Mantakin ninyong maging magulang ni Heart ay tinabla niya in favour sa lalaking tinutula-tulaan siya?!

Ganyan katindi ang kamandag ni Chiz.

Hanggang dumating si Grace Poe.

Ang ‘pulot’ na rehistradong unica hija ng nasirang FPJ at local showbiz queen na si Susan Roces. Hindi na tayo magtataka kung isa si Chiz sa mga nagsulsol kay Grace para pumasok sa politika dahil kitang-kita naman kung paano kumukuha ng desisyon sa kanya si Grace.

Sa kanilang tandem, bise presidente si Chiz pero sa realidad, tila isang ‘first gentleman’ na queenmaker ang papel ni Chiz sa political career ni Grace.

Sabi nga, nakakikilabot ang karisma at katusohan ni Chiz lalo na kung ginagamit niya ito sa mga babaeng mahal ng sambayanan, pabor sa kanyang ambisyon at pansariling kapakanan. 

Ngayon na ba ang tamang panahon para mag-ingat ang sambayanan laban kay Chiz?! 

May fund raising ba ang Bureau of Fire Protection (BFP) para sa 2016?

IMBES maging matindi ang kampanya para busisiin ang inspeksiyon sa mga establisyementong lumalabag sa Fire Code of the Philippines, matapos ang nakahihindik na pagkasunog ng mahigit sa 70 manggagawa ng Kentex, isang pabrika ng tsinelas sa Ugong, Valenzuela City, iba ang naging tunguhin ng ibang kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi PROTEKSIYON kundi tila ‘FUND RAISING’ para sa 2016 elections ang niraratrat ng mga taga-BFP sa iba’t ibang establishments sa bansa.

Hindi lang 10 negosyante ang nagreklamo sa inyong lingkod tungkol sa talamak na ‘rekatan’ ngayon sa BFP.

Pero mas masama ang natuklasan ng isang negosyante… INEFFICIENT o PALPAK ang data base ng BFP!

What the fact!

Mantakin ninyong mayroong mga establisyemento na doble-doble ang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC)?!

Bakit nadodoble?

Nasa era na tayo ng electronic world, pero ang data base ng BFP, kulelat pa rin?!

Ibig sabihin kung nadodoble ang FSIC ng mga establisyemento, posible rin na mayroong mga establisyemento na walang FSIC o kaya naman ay gawang-Recto lang?!

Posibleng-posible ‘yun ‘di ba?!

Take note, magkakaiba pa ang singil sa nadobleng FSIC, bukod pa sa kung ano-anong products and by-products ng fire extinguishers ang ipinabibili sa mga establisyemento na nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P5,000.

‘Yung iba naman inaalok ng P20,000 para sa buong set ng fire extinguishers.

SONABAGAN!

Mayroon bang quota para sa 2016 elections BFP chief, Director Ariel Barayuga?!

O baka naman kanya-kanyang fund raising rin ‘yang mga tao ninyo d’yan sa BFP?!

Director Barayuga, pakibusisi ang inyong  database.

Dahil d’yan sa PALPAK na database ninyo kaya kabi-kabila ang raket ng mga taga-BFP.

Sana naman ‘e iilan lang ‘yang mga ganyang tao ninyo sa BFP, huwag naman sanang talamak na nangyayari ang ganyang sistema sa buong bansa.

Pwede bang aksyonan n’yo na ‘yan, now na, Direktor Barayuga?!

Give credit where credit is due!

HALOS maihi ako sa katatawa matapos kong mabasa ang panibagong praise release ni BI Comm. SIGFRAUD ‘este’ Sigfred Mison tungkol sa pasasalamat na kanyang iginawad kina Gevero, Madera, Arellano, Arbas, Robin at Tangsingco tungkol daw sa mga efforts ng mga taong nabanggit pagdating daw sa preservation ng express lane sa Bureau.

Susmaryosep! Ay baket!?

Anong efforts ang pinagsasasabi nitong si Comm. Sigfred ‘greencard’ Mison??

Baka naman e-pot ng manok at hindi efforts!? Bwahahaha!!!

Maliban kina Associate Commissioners Gilbert Repizo at Abdullah Mangotara na siyang dapat talagang pasalamatan, if my memory serves me right, isa si Madame Congw. Meldy ang talagang nagkombinsi sa majority ng mga kongresista upang paboran ang pagpapapabalik sa express lane fund.

Aware naman kaya itong si Comm. “pa-good guy” Mison that no one among these division and section Chiefs deserved to be given credits and accolades when it comes to the preservation of the much needed express lane fees?

Paano naman kaya malalaman nitong si pareng Fraud ‘este’ Fred kung ano ang totoong istorya e madalas naman daw na wala siya sa hearing ng kamara!?

For your information Comm. Sigfraud ay mali na naman Sigfred pala, ang dapat mong pasalamatan sa bagay na iyan ay isa sa employees ng Bureau na walang awa mong ipinatapon sa malayong lugar.

Despite being a single mom with 2 kids at talaga namang very dedicated sa trabaho niya. Inspite of her dedication to her job walang awa mo pa rin siyang ipinatapon.

How could you!?

Kung hindi sa efforts at connection ng taong iyan kay Madame Meldy, hindi kayo makakukuha nang sapat na boto para paboran ang hinihingi ninyo sa mga kongresista.

Pero hindi ba sabi mo magaling ka pagdating sa intelligence matters?!

So kayang-kaya na malaman ng mga bata mong kulisap na kapain kung sino ang proponent sa ambisyon niyong ma-retain ang OT pay.

Well, kahit naman malaman mo kung sino ang siyang nararapat pasalamatan, alam ko na hindi mo ito ia-acknowledge. Siyempre papayag ka ba na masapawan sa eksena?

Wala naman ibang mabango sa iyo kundi ‘yung mga robot mo riyan sa Bureau na walang alam kundi manlaglag at walang sawang sumipsep sa iyo!

Say n’yo diyan, Mr. Junjun ‘MCMG’ Gevero, Atty. Manuel ‘astring-o-sol’ Plaza, Atty. Floro Tobalats at Atty. Tanpiso ‘este’ Tansingco???

Dito naman kina Gevero and Co., Chill out guys! 

Huwag masyadong pumalakpak ang inyong mga

tenga sa mga papuri ng amo ninyo.

Mas masarap sa pakiramdam kung ang isang papuri ay totoong kayo ang naghirap at hindi ‘yung pinaghirapan ng iba!

Kaya please lang, huwag na kayong umepal!

Siguro alam n’yo naman sa sarili ninyo kung ano ang totoong istorya ‘di ba?! Pati na rin ang tamang kahulugan ng mga salitang “Efforts” at “Credits.”.

Kung sa akin lang aba talagang mahihiya ako! Ewan lang sa inyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *