Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She’s my GF, my inspiration, but I want to keep it separate — Matteo on Sarah G

052615 sarah matteo

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Matteo Guidicelli na ninenerbiyos at excited siya sa nalalapit niyang MG1 concert na gaganapin sa November 28, 8:00 p.m. sa Music Museum handog ng Hills & Dreams Events Concepts Co..

Bagamat ang pagkanta talaga ang love ni Matteo, hindi niya maiaalis an kabahan pa rin kahit matagal niyang pinaghandaan at pangarap na magsagawa ng isang concert.

Napag-alaman naming limang taon ang ginugol ni Matteo para paghandaan at pag-aralan ang pagkanta dahil ito talaga ang gusto niya.

“Binigyan ko talaga ng so much effort ang pagkanta ko. Nag-aral pa ako abroad for singing talaga. Kaya lang nagkataon na nabibigyan ako ng acting project kaya mas nauuna at mas nabigyan ko ng focus ang pag-arte,” sambit ni Matteo sa presscon kahapon sa Luxent Hotel.

Sinabi pa ni Matteo na “It’s like participating in an extreme sport, exciting and nerve-wracking yet fulfilling,” ang pagkanta na gusto niyang gawin outside his comfort zone.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong magkokonsiyerto si Matteo. Nakapag-concert na siya kasama sina Daniel Matsunaga at JC de Vera sa pamamagitan ng Dreamboys concert. Pero mas excited siya ngayon dahil bukod sa solo concert ay makakasama pa niya sina Morisette ng The Voice First Season at ang Comedy Concert King na si Martin Nievera.

Bukod sa concert at indie film na Tupang Ligaw at Cinema One’s Single Single Season 2, ilulunsad din niya ang kanyang self-tiled album mula sa Star Records.

Sa album, mayroon silang duet ni Regine Velasquez na buong pagmamalaki niyang ibinahagi sa entertainment press. “Nakakahiya nga kasi hindi ko siya naabutan for our recording dahil na-late ako. Pero naging okey naman.”

Samantala, ayaw siguro talagang mapagbintangang ginagamit ni Matteo ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo kaya naman hindi niya ito isinama sa mga guest niya sa MG1 concert gayundin sa kanyang album.

“She’s my girlfriend yes. She’s my inspiration at work pero I want to keep it separate,” giit ni Matteo na nagsabing ibibigay niya ang lahat para matuwa ang mga manonood sa MG1 concert niya. Aawit siya ng ballad songs at medleys plus surprise production numbers kasama ang kanyang special guests.

Hindi rin niya sure kung manonood si Sarah gayundin ang ina nitong si Mommy Divine nang tanungin kung manonood ang mag-ina. Pero binigyan naman daw ng advise si Matteo ni Sarah ukol sa sa pagkanta. “Ibigay mo lang ang puso mo,” anang GF niya sa pagkanta para nga naman lumabas na maganda ang anumang aawitin.

Sinabi ni Matteo na ang mga aawitin niya sa concert ay magre-reflect ng kung gaano niya kamahal at kung paano maipakikita ang pagmamahal sa tao.

Nilinaw naman ni Matteo ang ukol sa napabalitang may ugnayan sila ni KZ Tandingan. “KZ and I are very good friends dahil parehas kaming Bisaya.” Tila kasi nabigyan ng ibang kahulugan ang pagsasama ng dalawa at pagiging close.

Ang MG1 concert ay mula sa musical direction ni Marvin Querido at ididirehe naman ni Frank Lloyd Mamaril. Ang ticket ay mabibili na sa Ticketworld outlets o puwedeng tumawag sa 8919999. Ang MG1 ay handog ng Belo Medical Group, Boardwalk, Ford at Jet& Bistro sa pakikipagtulungan din ng Belkin, Fernando’s Bakery, FLM Creatives and Productions Inc., Lancers Coco Lumber and Hardware, MacPower, Runstastic, at 10 Inc Lights and Sounds.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …