Saturday , November 23 2024

Patay na ang kabayo bago dumating ang damo (Sistemang bulok ng DSWD)

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI naman natin sinasabing mahihina o mapupurol ang utak ng mga gabinete ni Pangulong Noynoy, over naman ‘yun ‘di ba?

Ang gusto lang natin sabihin, parang tamad na silang mag-isip, lalo na kung pagresolba sa mga batayang problema ng bansa at kung paano epektibong maihahatid ang serbisyo publiko sa batayang masa lalo na sa panahon na sinasalanta ng kalamidad ang isang bayan at/o rehiyon.

Best example rito si Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman at ang kanyang ahensiya, ang Department of Social Work and Development (DSWD).

Si Secretary Dinky, na kilalang matalino, matapang at mapamaraan sa larangan ng politika at pamomolitika (remember Hyatt 10) ay hindi natin makitaan ng inisyatiba na gawing epektibo ang pamamahagi ng tulong at relief goods sa mga sasalantahin o sinalanta na ng kalamidad.

Sa ibang bansa, bago pa man maganap ang isang kalamidad, naibakwet o nailipat na sa isang ligtas na lugar ang mga apektadong residente.

At doon mismo sa evacuation center, hindi magugutom o kakapusin ng tubig dahil nandoon na ang mga food supplies, may malinis at maayos na tulugan, may kasilyas at liguan at higit sa lahat mayroon medical center para tiyakin na masusubaybayan ang kalusugan ng mga evacuees at ligtas sa ano mang epidemya.

Ganoon kasimple.

Hindi sila nakikipagsabayan sa kalamidad lalo na kung bagyo ‘yan para makapaghatid ng serbisyo sa publiko.

Hindi rin nila hinihintay na masalanta muna ang mga mamamayan bago nila tulungan ang mga mamamayan.

Preemptive measures hindi baka-sakali para sa kaligtasan ng mamamayan.

Hindi ba pwedeng gawin dito sa bansa ang ganoong pamamaraan?!

May mga pagkakaton na maaga ngang nag-eebakwet ang mga residente pero ang problema nakanganga naman sila sa evacuation center.

Walang pagkain, walang tubig, walang tulugan (humiga kayo sa karton at sa sako) at higit sa lahat bahala kayong magkahawaan kung mayroong epidemya.

Kaya naman tuwing nananawagan ng evacuation ang mga awtoridad kapag may banta ng kalamidad, walang nagboboluntaryong lumikas, kasi ang iniisip nila lalo lang silang magmumukhang kawawa sa evacuation center at baka mahawa pa ng sakit.

Ibig pong sabihin, walang maramdamang pagkalinga ang mga mamamayan mula sa mga awtoridad sa ganitong panahon kaya naman hirap na hirap silang ipagkaloob ang tiwala sa pamahalaan.

Kung hindi tayo nagkakamali, sa lahat ng naging DSWD Secretary, bukod kay ex-president GMA, si Secretary Dinky ang may matinding karanasan sa integrasyon at immersion sa batayang masa. Remember beteranong NGO worker ‘yan with kapita-pitagang Secretary Ging Deles.

Kaya naman malaki talaga ang ating pagtataka at panghihinayang kung bakit hindi nakabuo ng FORMULA si Secretary Donkey ‘este’ Dinky at ang DSWD nang epektibong paghahatid ng tulong at serbisyo publiko sa panahon ng kalamidad (pre and post events).

Sayang Madam… sayang ang mga kaalaman at karanasan mo sa “integration and immersion with the masses.”

Next time ‘wag tutulog-tulog, kasi hindi ka naman si Madam Bola, ikaw ay si Madam Secretary Dinky ng DSWD.

Ay sus!

May krisis sa kanyang pagkamamamayan si BI Commissioner Siegfred Mison

Ang haba daw ng “dead air” sa isang programa sa DZRJ AM kahapon nang tanungin ng isang anchor sa isyu ng citizenship si Immigration Commissioner Siegfred Mison.

‘E talagang ang haba daw ng dead air ni Mr. Pa-good-guy Mison, kulang limang minuto.

Para sumagot lang pala ng… “I’m not in liberty to divulge.”

Dagdag ni Mison, may record naman ang BI at ang US Citizenship and Immigration Services (USCIS) na makapagsasabi kung US greencard holder ang isang tao.

‘E paano ‘yan kapag nakalkal ang citizenship mo Pabebe Commisioner?

Nabatid natin na batay po sa itinatadhana ng Section 18, Article XI, 1987 Philippine Constitution, ang sinomang opisyal at kawani ng pamahalaan ay dapat parusahan kapag nagpalit ng citizenship o nakakuha ng immigrant status sa ibang bansa.

“Public officers and employees owe the State and this Constitution allegiance at all times, and any public officer or employee who seeks to change his citizenship or acquire the status of an immigrant of another country during his tenure shall be dealt with by law.”

Tsk tsk tsk…

Mabigat pala ‘yang pinasok mo na ‘yan, Commissioner Mison…

Pananagutin pala ng batas ang sino mang taong gumawa ng ganyang paglabag.

Dapat talaga, lagi ka lang HONEST, Commissioner ‘Pabebe Boy’ Mison.

Hindi ba’t diyan ka lagi naiindulto?! Sa pagiging DISHONEST?!

Mukhang hirating-hirati ka sa pagiging dishonest.

Maitanong nga kay Atty. Cecille De Castro.

Pam-PR ni Erap kinakatkong at ibinubulsa

Heto pa ang isang HIDHID.

Alam kaya ni Yorme Erap na mayroon siyang pinagkakatiwalaang tao na ang trabaho ay mambulsa ng mga pa-goodwill niya sa mga Erap’s friends in media?!

Mukhang ekspertong-eksperto umano sa pamba-BAMB-O at pambubukol ang nagpapakilalang ‘feeling very close’ daw siya kay Erap.

Halimbawa, kung ang budget sa isang taga-media ay P1k ay biglang nagiging 500 na. At kapag 500 ay nagiging 300 na.

Magaling palang mag-magic ang damuho!?

Mukhang close naman sila at mukhang matagal na rin magkakilala dahil sa hilatsa ng kanilang mga pagmumukha.

Pati nga kulay ng t-shirt ni Mr. BAMBO, iisa lang ang kulay araw-araw gaya sa paborito niyang si Erap.

Tayo naman po ay nagmamalasakit lamang kay Yorme Erap. Baka kasi hindi niya alam na ‘gupit-gupit’ ang ‘pampatalinong’ nagsisilbing ‘kortesiya’ niya sa Erap’s friends in media.

Aba e, ipabusisi n’yo ‘yan Yorme.

Alalahanin ninyo, hindi magandang praktis ‘yan. Kilala ka pa naman na very kind and generous sa mga media na pumupuri sa inyo.

Tigilan mo ang pambubukol, BAMBO!    

‘Tulak’ may tongpats sa AOR ng Presinto Kuwatro!? (Attn: Gen. Joel Pagdilao)

‘YANG matinding info na nakarating sa atin na kinasasangkutan ng ilang tulisan ‘este’ pulis sa ilalim ni MPD PS-4 commander at BFF ni MPD press corps prexy na si Kernel Mannan Muarip.

Ayon sa ating source, makikita naman na mababa raw ang accomplishment ng Kuwatro pagdating sa anti-illegal drugs operation nito.

Kamakailan ay may isinagawang raid umano ang isang raiding team ng mga tulisan ‘este’ pulisya sa isang lugar na malakas ang bentahan ng ‘bato.’

Pero laking gulat ng raiding team sa inaasahan nilang positive operation dahil pumapasok palang sila sa eskinita ay nakapuslit na pala ang mga suspect na tulak.

Suspetsa ng raiding team ay nabatohan agad ng info ang mga ‘tulak’ sa gagawin nila sanang malaking drug raid.

Sonabagan!!!

Ito pa ang matindi, may ilang ‘lubog’ na lespu na sila pa raw mismo ang nagpapakalat ng ilegal na droga sa area of responsibility ng Sampaloc!?

Isang alias Madam Annie Ermita rin ang itinuturong isa sa malaking source ng shabu sa naturang area.

Hindi ba’t sa planong pagdakip ay nakita umano ang text messages mula sa ilang lespu sa mismong cellphone ni ‘Annie Tulak’ ang oras ng pag-alis at pagkasa ng raid sa kanya?!

Bakit kaya Boy gadget? Bakit alam na alam ang galaw ng mga pulis!?

NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao, hindi kaya panahon na para magsagawa ng top-to-bottom reshuffle sa MPD PS-4?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *