HANGGANG sa pagdiriwang ng kaarawan, simple lang si Liza Soberano. Tulad ng kanyang nalalapit na debut sa January 2016, nais niyang ibahagi at iselebra ito kasama ang mga less fortunate.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Liza ang charity event na gagawin niya sa apat na institusyon kaya naman walang magaganap na engrandeng party si Liza next year.
Ang apat na foundation na gustong pagdausan ng 18th birthday ni Liza ay ang I Can Serve Foundation, Anawimlay Mission, Nazareth Home For Street Children, at Chosen Children Village Foundation.
Mayroong 80 abandoned babies sa Chosen Children Village ang bibigyan ng tulong ni Liza samantalang 60 e4lderlies naman sa Anawimlay ang kanyang pasasayahin.
Si Liza ang mamimigay ng regalo sa apat na institusyon kahit siya ang may kaarawan. Ito kasi ang paraan ng young actress para magpasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.
Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz, si Liza mismo ang may kagustuhang i-celebrate ang birthday sa foundation at mas gusto raw nito na hindi masyadong sikat na foundation ang matulungan. Katwiran kasi ng dalaga, marami na ang tumutulong sa mga kilala at sikat na foundation samantalang doon sa mga hindi masyadong kilala ay kakaunti ang tulong na dumarating.
“Masyado ng maraming tumutulong sa kanila. Gusto ko ‘yung mga never-heard na institutions,” giit ni Liza.
Samantala, sa October 28 na mapapanood ang Everyday I Love na movie nila ni Enrique Gil mula Star Cinema. Makakasama nila rito si Gerald Anderson na first time gaganap na third wheel sa isang magka-loveteam. Ito ay mula sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio