Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tessie Lagman, saludo kay Elizabeth Ramsey!

102115 Tessie lou elizabeth ramsey

00 Alam mo na NonieNAKA-ISANG taon na pala ang Sama-Sama Salo-Salo na pinangungunahan ni Ms. Tessie Lagman. Nag-celebrate last month ng 1st anniversary ang kanilang radio program ay napapakinggan sa DZRM 1278 AM every Saturday, 8 to 10 pm. Kasama niya rito sina Dolly Favorito, Danilo Jurado, Baby Cora Bautista, Cenen Garcia, Tony Suvega, Ray Lucero at Eddie Suarez ng grupong Mabuhay Singers.

Isa si Ms. Tessie sa mga beterana sa radio. Kabilang sa mga nakatrabaho niya noon sina Ike Lozada, Joey de Leon, Manolo Favis, Eddie, Ilagan, Johnny de Leon, at German Moreno.

“Ngayong naka-one year na kami, I feel kumbaga sabi ko nga, we’re still wanted. Mahal pa rin kami ng mga listeners namin, kasi makikita mo naman yung response nila. Our listeners go as far as Mindoro, Palawan, Baler, Quezon, sa parte ng Pangasinan. And then kasi yung mga past broadcasts namin, ina-upload ng anak ko sa YouTube, kaya nakakarating kami sa ibang bansa.

“Ang comment nila sa Facebook na napapanood nga nila kami. Kaya siguro kung mag-show kami sa ibang bansa, kilala naman ang grupo natin,” saad niya.

May plano po bang dalhin nyo ito sa abroad? “Yeah mayroon kaming plano. Pero dito muna, iikot muna sa iba’t-ibang part sa Pilipinas.”

Nabanggit din niyang nanghihinayang siya sa pagkamatay ng singer/comedienne na si Ms. Elizabeth Ramsey. “Malaking kawalan talaga si Elizabeth Ramsey, isa siya sa maituturing na total performer, kumbaga ay legend na siya, e. Nakasama ko rin siya dati at talagang magaling siya. Kasi, kahit sa edad niya, talagang ang galing-galing pa rin niyang performer.”

Si Ms. Tessie ay dating recording artist na nakagawa na ng dalawang album. Kasama rin siya sa pelikulang Butanding na tinatampukan nina Lou Baron, Lara Quigaman, Rey PJ Abellana, Emma Cordero, at iba pa, sa direksiyon ng award winning direktor na si Ed Palmos.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …