Tuesday , February 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nuclear Family at Tres Marias, bagong movie ng BG Productions Int’l.

102115 mateo BG

00 SHOWBIZ ms mPATULOY sa paghataw ang BG Productions International na pag-aari ng tinaguriang Queen ng Indie Films na si Ms. Baby Go. Nakatakda nilang simulan ang Tres Marias na pamamahalaan ni Direk Joel Lamangan. Ito ay ukol sa mga batang nabuntis sa murang edad dahil sa kahirapan at tatampukan ng mga award winning child star na sina Therese Malvar, Barbara Miguel, at Angeli Nicole Sanoy.

Ang isa pang indie movie na gagawin nila ay ang Nuclear Family na pamamahalaan ng isa pang award winning direktor na si Jason  Paul Laxamanaat tatampukan nina Snooky Serna, Rodjun Cruz, Ezekiel Jash, ArronVillaflor, Rob Moya, at iba pa.

Ang ilan sa mga naunang indie films na ginawa ng BG Productions ay ang Lihis, Lauriana,  Bigkis, at Homeless. Limang indie films pa ang natapos na nila. Kabilang dito ang Child Haus with Direk Louie Ignacio na ukol sa mga kabataang may cancer; ang Tupang Ligaw, isang action-drama na mula sa pamamahala ng komiks novelist na si Rod Santiago. Tinatampukan ito ninaMatteo Guidicelli, Ara Mina, Paolo Contis, Rico Barrera, at iba pa.

Katatapos lang din nilang gawin ang Laut ni Direk Ignacio starring Barbie Forteza, Ronwaldo Martin, Gina Pareño, Ana Capri, Roi Vinzon; Iadya Mo Kami na tinatampukan nina Allen Dizon, Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri, at ang Sekyu with Allen, Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, Rex Cortez at iba pa, sa direksiyon din ni Lamangan.

Bukod sa pagmamahal sa pelikula, si Ms. Baby ay isang successful real estate broker. Aniya, gusto niyang makatulong sa movie industry at masaya siya sa ginagawang ito. ”Happy ako kapag nakagagawa ng makabuluhang movies. Challenge sa akin ito, bukod pa roon, nakapagbibigay tayo ng work sa mga taga-industriya eh.”

Samantala, kabilang sa foreign investors ng BG Productions International ang mga businessmen na sina Mr. Marco Antonio Bonilla ng Colombia at Mr. Hylario Garcia ng Mexico.

Nabanggit ni Ms Baby na masaya siya sa bagong kasosyo sa negosyo. ”Happy ako na lalong lumalaki ang BG Productions.”

Next month ay magpi-pemiere na ang Sekyu at sinabi ni Ms. Baby na dapat abangan ang pelikulang ito. ”Masayang-masaya ako dahil napakagaling ni Allen dito at siyempre ay magaling si Direk Joel, dapat abangan ito ng moviegoers.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …

Pokwang Maddox Jewelry Charo Cordial

Pokwang nawalan ng alahas sa taping

I-FLEXni Jun Nardo MAGKASUNDO agad ang komedyana at negosyanteng si Pokwang at Maddox Jewelry owner  na si Ms. …

Heart Evangelista Heart World Season 2

Heart walang engrandeng piging sa kaarawan sa Feb 14 

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Heart Evangelista na maarte siyang tao. “At least, may kinapuntahan ang pagiging …