Monday , December 23 2024

Grace, ‘Pinagsasamantalahan’ ni Chiz

chiz graceMalasakit nga ba ang sinasabing tulong ni Sen. Chiz Escudero kay Sen. Grace Poe? O ginagamit niya lang ang katambal sa presidential race para sa pansariling hangarin na maging pangalawang pangulo?

Gaano nga ba katuso si Chiz?

Hindi na bago sa politika ang gamitan. Kung wala ka raw gulang, ikaw ang malalamangan. Alam ni Chiz ‘yan. Hindi siya magtatagal sa maruming mundo ng politika kung hindi siya magulang.

Una, isinangkalan n’ya ang ‘aping’ imahe ng bayan ng Sorsogon upang maluklok sa Mababang Kapulungan. Naging kongresista siya. Pero nanatili pa rin sa kangkungan ang kanyang kawawang bayan.

Hindi naglaon, gamit ulit ang solidong boto ng Bicol, naging senador siya noong 2007.

Pero ano na? Hindi pa rin nakaginhawa ang mga kawawang nilalang ng Sorsogon.

Mautak at sanay si Chiz sa galawang politika. Isa pang taktika ang pagdikit kay FPJ. Bago siya naging senador, naging tapagsalita siya ng Action King sa presidential election noong 2004. Dumikit sa pinakasikat na apelyido sa isip ng Masang Pinoy. Nang nadaya si FPJ at bigong makasampa sa palasyo, saka naman umalagwa sa senado si Chiz.

Malupit kung sa malupit.

Alam niyang malakas si Grace, bali-baliktarin man ang mundo. Malabong madehado ang isang Poe.  Kaya nabakuran na n’ya ang senadora, hindi pa man din nagsisimula ang panahon ng eleksiyon.

Kumbaga, namuhunan si Chiz ng tiwala at kunwari’y tulong sa #1 na senadora. At inani niya ito nang mapiling katambal sa pagka-bise presidente ni Grace.

Lingid sa kaalaman ni Grace ay gamit na gamit ang kanyang popularidad para sa pansariling intensyon ni Chiz.  Dahil kaiba sa sinasabi ni Grace na malaki ang utang na loob nila kay Escudero, hindi ba’t dapat e si Chiz pa ang may utang?

Naku e kung hindi dahil kay FPJ, baka nasa putikan pa rin si Chiz.

Hindi pa nakontento, matapos gamitin ang popularidad ng Hari ng Pelikulang Pilipino, aba e matagumpay na naman niyang nabola ang anak na si Grace, na alam naman ng lahat, e pinakamalakas ang laban sa presidential race sa kabila nang kabi-kabilang disqualification case.

Kung si FPJ ang stepping stone ni Chiz noon para umakyat sa senado, si Grace naman ngayon ang sangkalan niya upang makalapit sa palasyo.

Tuso talaga at magulang si Chiz.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *