Thursday , December 26 2024

Daniel, binulabog ang Comelec nang magparehistro!

102115 daniel padilla comelec vote

00 SHOWBIZ ms mNABULABOG ang Quezon City Comelec nang magparehistro sa kauna-unahang pagkakataon si Daniel Padilla kasama ang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo. Halos hindi magkamayaw ang mga nagpaparehistro rin at talagang may mga nagpunta pang fans para lang masilayan ang dalawa.

Magkahiwalay na nagparehistro sina Daniel at Kathryn. Si DJ (tawag kay Daniel) ay sa District 6 ng QC samantalang si Kathryn ay sa District 3 naman. Kaya naman ganoon na lamang ang pag-aalala ng batang actor nang mahiwalay sa kanya si Kathryn.

“Nasaan na si Kathryn, pakitingin naman baka masaktan iyon!,” ang sabi ni Daniel sa kasama niya.

Kasama ni Daniel na nagparehistro si Tates Gana (na tatakbong konsehal ng QC), bestfriend ng kanyang inang si Karla Estrada at ang ama-amahang dating konsehal ng 3rd district na si Mike Planas.

Hindi ikinaila ni Daniel na masaya ang feeling niya dahil nakapagparehistro na siya para makaboto sa darating na eleksiyon sa 2016.

“Masaya, siyempre, iba na rin eh kasi kapag bata ka tapos nagganito ka (parehistro) iba na ang feeling. Iba ang pakiramdam.

“Sa pagbotokasi  dapat responsable ka hindi naman ‘yun boto ka lang ng boto. Dapat responsable ka. Ikaw din mismo,’di ba dapat responsable rin?,” paliwanag pa ni Daniel.

Natanong si Daniel ukol sa sinabi ng kanyang inang si Karla na mayroon daw siyang ieendosong senador at presidente. “Totoo naman na mayroon nga, pero hindi pa puwedeng i-announce. May napupusuan ako pero at saka ko na sasabihin kung sino iyon.”

Sinabi ni Daniel na ginabayan siya nina Tito Mike niya, ng kanyang Papa at mama sa kung sino ang dapat niyang iboto. ”Nakikinig ako sa sinasabi nila pero siyempre iba pa rin ‘yung gusto mo. Ako naman nire- research ko kung ano ba ang ginawa ng taong ‘yun. ‘Yun ang way ko para makilala ang taong iboboto ko.”

Ani DJ, handa niyang ikampanya at sumama sa mga political sorties ng taong mapipili niya at iboboto. ”Wala namang masama roon. Ako, aakyat talaga ako para ikampanya siya dahil gusto ko siyang Manalo.”

Iginiit pa ni DJ ang kahalagahan ng ginawa niyang pagpaparehistro. ”Iba kasi ‘yung habang bata ka pa eh, nagpaparehistro ka na at nae-exercise mo ‘yung karapatan mo. Dapat simulan na habang bata ka pa para masanay.

“Bakit gaano ba kahirap ito? (pagpaparehistro)Hindi naman ‘di ba? Pupunta ka lang dito, maggaganyan ka (itinuro ang ginawang pagpirma at pag-thumbmark), may bago ka nang presidente.

“Paano ka makakareklamo kung hindi ka naman bumoto? Bakit ka magrereklamo kung wala ka namang ginawa kung nagtulog ka lang ng araw na iyon?

“So para sa mga bata, iba rin ang pagiging open nila sa government. Sa politika marunong na rin ang mga bata. Siguro habang bata simulan na, pag-aralan na,”mahabang paliwanag pa ni DJ.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *