MAINIT na sinusubaybayan sa kasakuyan ang nagaganap na negosasyon sa pagitan ng kampo ni Manny Pacquiao at Amir Khan.
Si Khan ang naghahamon ng laban at wala pa ring desisyon ang kampo ni Pacquiao kung kakasahan iyon. Sa kasalukuyan kasi ay nananatiling nakasentro ang susunod na laban ni Pacman sa rematch nila ni Floyd Mayweather Jr.
Pero tipong hindi na mangyayari iyon dahil tuluyan nang nagretito si Floyd sa larangan ng boxing.
Ayon kay WBO welterweight champion Timothy Bradley, kung matutuloy ang labang Khan-Pacquiao, dapat lang na palakasin ng una ang panga.
Matatandaan na ang dalawang talo ni Khan ay parehong knockout dahil sa mahinang panga. Ang una niyang talo ay laban kay Prescot na nasapak siya sa panga. Ang pangalawang talo niya ay laban kay Danny Garcia na giniba rin ang kanyang panga.
“I think the only downside from Amir Khan’s standpoint would be that Manny is the harder puncher in that fight. I know Amir might be the quicker guy but Manny is the harder puncher and if Manny lands on Amir — there’s no way of strengthening a chin and Danny Garcia was able to knock him out, Prescott was able to knock him out — Manny Pacquiao has the ability to knock Amir out,” pahayag ni Bradley sa On The Ropes Boxing Radio.
Natesting na ni Bradley ang kalidad ni Pacquiao. Nakaharap na niya ang Pinoy boxer noong 2012 nang manalo siya via controversial twelve round split decision. Pero natalo siya sa rematch noong 2014 via unanimous decision.
Naniniwala si Bradley na hindi gaanong kumalas ang punching power ni Pacquiao dahil sa nagkakaedad na ito. Kitang-kita pa rin ang bagsik ng kamao nito sa laban niya kontra kay Mayweather noong May 2.
“Let me tell you, Manny Pacquiao can punch and we saw that when he fought Floyd Mayweather. When Pacquiao hit Mayweather on the chin with that left hand, Mayweather backed up a little bit and was dazed from that punch but was able to survive. This guy can still punch, no matter how old he is. He still has that punch, he still has those ankles and he still has good feet, he can move and he’s super intelligent,” pagtatapos ni Bradley.