2 maglalaban sa pres’l race (Prediksiyon ni Miriam)
Cynthia Martin
October 21, 2015
News
POSIBLENG dalawa lang ang maglaban sa pagkapangulo ng bansa sa May 2016 residential Elections.
Ito ang naging prediksiyon ni Senadora Miriam Defensor Santiago kahapon.
Paliwanag ng senadora, bagama’t mahigit 100 ang mga naghain ng certificate of candidacy (CoC) para sa pagka presidente, apat lamang lang ang masasabing seryoso.
Ngunit sa apat na ito aniya ay dalaw ang may kinakaharap na mga kaso.
Si Senadora Grace Poe ay may disqualification charges habang si Vice President Jejomar Binay ay may mga kaso sa Office of the Ombudsman.
Kung magdedesisyon aniya ang Comelec ng laban sa kandidatura ni Poe, hindi na siya maaaring tumuloy sa presidential race.
Pwede rin aniyang maglabas ng desisyon ang Ombudsman laban kay Vice President Binay at tuluyang kasuhan sa Sandiganbayan.
Kung magkakaganito aniya ay siya na lamang at si Mar Roxas ang matitira sa karera.
Ngunit bagama’t lumalabas aniya sa survey si Roxas, mahina naman ang karisma sa masa dahil hindi masyadong nakikihalubilo.
Samantala, sa panig niya ay dama niya ang suporta sa kanya ng netizens.
Naniniwala si Santiago na ang netizens at mga teki people ang magluluklok ng susunod na presidente ng bansa.
Miriam ‘di maglalabas ng medical records
WALANG plano si Senadora Miriam Defensor Santiago na ilabas ang kanyang medical records upang patunayan na gumaling na siya sa kanyang stage 4 cancer.
Ito ay bilang reaksiyon sa sinabi ni Dr. Sylvia Claudio na dapat ilabas ni Santiago ang kanyang medical record na nagsasaad na may sapat siyang kalusugan para pamunuan ang bansa.
Giit ni Santiago, labag sa kanyang privacy ang nais ni Claudio.
Kung duda aniya si Claudio ay siya na mismo ang maghanap ng medical records ng senadora.
Nilinaw ni Santiago, maaayos na ang kanyang kalusugan at halos anim buwan na siyang gumaling sa sakit na cancer.
Binigyang diin ni Santiago, hindi mapipilit ang sino man na ilabas ng mga kumakandidatong pangulo ang kanyang medical record o ano mang record dahil paglabag ito sa human rights.