Magsisimula ang buong araw na event ng 9:00 a.m. at magtatapos ng 5:00 p.m.. Ito ay bilang follow-up event sa KeriBeks National Gay Congress na ginanap sa Araneta Coliseum noong Agosto.
Ang KeriBeks ay brainchild ng ilang mga beki mula sa entertainment industry na galing sa iba’t ibang estado ng pamumuhay. Maaaring maraming pinagdaanan ang mga beking ito sa kanilang mga buhay ngunit nakaya pa rin nilang magkaroon ng magandang trabaho at itaguyod ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. Sa rami ng mga isyung kinakaharap ng mga beki sa kanilang buhay, hinangad ng grupong bumuo ng event na mag-iinspire, mag-momotivate, mag-diriwang, at mag-e-educate sa mga beki, na tulad nila, ay mula sa iba’t ibang sector ng lipunan.
Si Korina ang unang tumulong sa pagbuo ng grupo at paglunsad ng unang major event nito sa unang konsepsyon pa lamang ng KeriBeks. Bukod sa Handog Tsinelas Campaign ng Rated K, ang KeriBeks ang isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Korina, na suportado ng kanyang asawa, ang Presidential candidate na si Mar Roxas.
“Malapit ang LGBT community sa puso naming mag-asawa,” ani Korina. “Halos 30 taon na ako sa industriya at hindi nawala sa tabi ko ang mga beki. Kasama ko sila sa hirap at ginhawa. Tinanggap nila ako ng walang hinihinging kapalit. Malapit talaga sila sa puso ko. Alam ko ang mga pinagdaraanan nila. Para sa akin mga bayani sila dahil sinusuportahan nila ang kanilang mga pamilya, pinag-aaral nila ang kanilang mga pamangkin at they still manage to be fabulous.”
Bilang bahagi ng adbokasiya nito na i- empower ang LGBT community ng Pilipinas, ang 1st KeriBeks job fair ay bukas sa lahat ng Filipinong lesbians, gays, bisexuals, at transgender men and women na naghahanap ng trabaho. Magbibigay din ang Project Red Ribbon ng libreng seminar ukol sa HIV/AIDS awareness and prevention. Magtatapos ang event sa espesyal na pagtatanghal mula sa boy band na 1:43 at sa singing sensation na si Dessa.
Naghahanda rin ang ULP sa isang serye ng mga event gaya ng isang livelihood program na magbibigay ng propesyonal na training at seminar para sa LGBT community at isang talent contest na pinamagatang May K Ka Ba? LGBT Got Talent.
Ang mga aplikante ay maaaring mag-register ng libre sa venue upang magkaroon ng pagkakataon na mag-aplay sa humigit 50 kompanya na lalahok sa job fair.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio