Thursday , December 26 2024

Sumampa sa payloader bata nagulungan, todas (3 kalaro ligtas)

DAVAO CITY – Agad nalagutan ng hininga ang 8-anyos batang lalaki makaraang masagasaan ang ulo nang mahulog mula sa sinampahang payloader kamakalawa.

Ayon sa ulat, habang nagkakarga ng graba at buhangin ang payloader sa Sebusa River, sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, nang biglang sumampa ang apat naliligong mga bata.

Kinilala ang mga batang sina Juanito Gallos, 12; Jeffrey Lanticse, 8; alyas Odong; at ang namatay na si Jojie Lapis, 8.

Ang nasabing payloader ay pagmamay-ari ng isang Marcel Mariano, negosyante at residente ng Matanao, Davao del Sur.

Minamaneho ito ng isang Apolonio Albaracin, 33, residente ng Brgy. Sebusa, Bayan ng Matanao, Davao del Sur.

Agad inaresto ng mga pulis at inimbestigahan ang pay loader operator na nahaharap sa kaso sa pagkamatay ng 8-anyos biktima.

About Hataw

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *