Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quen, araw-araw nagsasabi ng ‘I love you’ kay Liza

102015 Liza-Enrique

00 SHOWBIZ ms m“WE’RE really close, really close friends,” ani Enrique Gil nang tanungin sila ng kanyang ka-loveteam at kapareha sa Everyday I Love You na si Liza Soberano.

“And we’re just happy na magkasama kami sa mga project. So we get to spend a lot of time,” dagdag pa ng binata.

Hindi itinatago ni Quen (tawag kay Enrique) ang paghanga o feelings niya kay Liza pero iginiit nitong handa siyang maghintay dito. “Seventeen pa lang po siya, upcoming pa lang ang birthday niya, so andito lang ako.”

Sa January, 2016 pa ipagdiriwang ni Liza ang kanyang 18th birthday na ayon sa kanyang manager na si Ogie Diaz, ayaw ng dalaga na magkaroon ng magarbong selebrasyon.

“Gusto niya mag-celebrate sa apat na orphanage/ foundation. Ayaw niya ng party. Gusto niya mag-birthday sa I Can Serve, Anawimlay Mission, Nazareth Home for Street Children, at Chosen Children Village.” Talagang napakasimple ng ni Liza dahil mas pinili niyang makapiling ang mga batang less fortunate para mabahaginan ng mga blessings na dumarating sa kanya.

Sa kabilang banda, kapag disiotso na pala si Liza, rito lamang daw puwedeng sagutin nito si Queen. Na hindi naman itinanggi ng dalaga na may pag-asa ang binata. “Opo naman,” mabilis na sagot ni Liza.

Natanong din si Quen kung gaano kadalas siya magsabi ng ‘I love you’ kay Liza at sinabi nitong, “Everyday at hindi puwedeng lumipas ang isang araw nang hindi ko sinasabi iyan sa kanya.”

Ukol naman sa insidenteng naganap sa eroplano nang papunta ang kanilang grupo sa London para sa ASAP20, natanong si Enrique kung makaaapekto kaya ito sa kasalukuyang pelikula nila ni Liza na Everyday I Love na handog ng Star Cinema at mapapanood na sa October 28, sinabi nitong “hindi naman na po siguro.

“Matagal na po iyon, I think ang kailangan nating isipin ngayon ay ang bagyo, at saka ‘yung pelikula,” paliwanag ng actor.

Kasama rin sa movie si Gerald Anderson na first time gaganap na third wheel sa isang magkaloveteam. Bale nakasentro ang Everyday I Love You sa magkakabit na istorya ng tatlong pangunahing tauhan na sina Tristan, Audrey, at Ethan, Matiyagang hinihintay ni Audrey (Soberano) ang kasintahang si Tristan (Anderson) na magising mula sa coma. Masikap siyang naghahanap-buhay para tustusan ang mga bayarin ni Tristan sa ospital hangang makilala si Ethan (Gil) na siyang tutulong sa kanya. Mahuhulog ang loob ni Audrey kay Ethan na siyang dahilan kung bakit maguguluhan ang isip at puso nito hanggang lalong maging komplikado ang sitwasyon dahil biglang magigising si Tristan mula sa coma.

Mapapanood na ang Everyday I Love You sa Oct. 28 mula sa direksiyon ni Mae Czarina- Cruz.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …