Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Motorcycle rider dedbol sa bundol

PATAY ang isang 47-anyos motorcycle rider makaraang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa kasagsagan ng bagyong Lando kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Resty Cruz Jr., residente ng 196 Gen. Luna St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod.

Habang agad naaresto ang suspek si Rustan Ganao, 30, residente ng 238 Hernandez St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat ni SPO2 Francisco Verzosa, naganap ang insidente dakong 7:50 p.m. kahabaan ng Governor Pascual St., Brgy. Catmon.

Tinatahak ng biktima ang naturang lugar habang lulan ng kanyang Suzuki Skydrive (1410-QX) nang makabanggaan ang pampasaherong jeep (TWS-417) na biyaheng Malabon-Monumento dahil madulas ang kalsada dulot ng bagyong Lando.

Tumilapon  ng ilang metro ang biktima na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan habang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng pampasaherong jeep.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …