Friday , November 15 2024

Inaalat na naman si ‘Idol’ Willie Revillame

00 Bulabugin jerry yap jsyTULOY na pala ang kasong child abuse laban sa idol nating si Willie Revillame.

Naglabas na ng desisyon ang Court of Appeals (CA) na nag-uutos na ipaaresto at basahan ng sakdal (arraignment) si Willie kaugnay ng insidente ng macho dancing ng isang 6-anyos totoy sa kanyang programa sa telebisyon noong Marso 12, 2011.

Dahil ang kanyang programa ay pagbibigay ng aliw sa kanyang mga manonood, kadalasan talaga ay naa-out of control ang host. Kaya nga kailangan matalas ang show at floor director para bigyan ng senyal ang host kung kailangan niyang tumigil o mag-iba ng topic.

Mukhang sa pagkakataong iyon ay nalimutan ni Willie na 6-anyos na batang lalaki ang pinagsasayaw niya on national TV habang nanonood at nakikipalakpak ang mga magulang.

Nang mga oras na iyon, tila mga ‘halimaw na nagkakatuwaan’ ang mga tao sa paligid ng 6-anyos totoy pero walang nakapuna o nakapansin niyon kahit siguro ang mga responsableng tao sa nasabing programa.

Kaya nang pulit-ulit na mapanood ito sa video na kumalat sa social media, saka lamang na-realize ng mga nakapanood na tila walang pangalawang pang-aabuso sa nasabing bata ang ginawa sa kanya ng nasabing programa.

Sa ganang atin, naniniwala tayo na ang pananagutan dito ay hindi solo ni Willie boy.

At naniniwala rin tayo na hindi rin ito sinasadya ni Willie.

Mas naniniwala tayo na na-out of control lang ang TV host kaya masyadong nalibang at hindi rin napansin ng floor at show director.

Pero sabi nga, the rest is history.

Umaasa na lang tayo na malalampasan ni Willie ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay.

At sana ay magsilbi na rin itong aral para sa lahat.

‘Manggugupit’ sa kampo ni BBM

ISANG ‘correction please’ ang natanggap na mga mensahe ng inyong lingkod.

Hindi raw si ‘HONEYROSE’ ang may pagkukulang kung bakit tila hindi ‘maganda’ o ‘maayos’ ang relasyon ng BBM (Bongbong Marcos) camp sa media.

Isang alyas Hatsing ang itinuturo ng mga katoto natin sa Senado na mahilig daw maglista ng pangalan ng mga taga-media.

Nabisto raw nila si alyas Hatsing na gawa nang gawa ng listahan.

Anong listahan ba ‘yan?!

Pangkabuhayan SHOW CASE ba ‘yan?!

Bakit kailangan ilista ang pangalan ng mga taga-media?!

May honorarium ba ‘yan? Nakararating ba naman ‘yan sa mga inilista na gawa ninyo?

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.

Kung hindi tayo nagkakamali ‘e napakametikulosa ni Ms. Liza Araneta-Marcos sa mga staff ni BBM, ‘e bakit may nakalulusot na isang gaya ni alyas Hatsing?!

Ano ba talaga ang papel ni alyas Hatsing sa opisina ni BBM?

Media relations officer o manggugupit?!

‘E napakahusay daw kasing ‘TUMABAS!?’

Walang 1602 sa Hembrador Pasay

SIR, wala pong bookies d2 sa hembrador o kahit anong ilegal na sugal. Nabasa ko sa kolum ninyo sa Hataw kaya pala pumasok mga pulis d2 sa Hembrador. +63918499 – – – –

QC PCP police operator ng 1602 sa Batasan Hills QC

GOOD evening po Sir Jerry, report lang po namin, talamak ang bukies ng EZ2, hue-ting, dto po sa Ternate St., Area B,  Talanay, Batasan Hills. PCP pulis po ang Bangka nito, tatlong beses ang bola ng hueting, ganun din po ang EZ2. Active po na police ang bangka. Slamat po, tago lng po numero sir. #+63929560 – – – –

Mga sumasalungat na tricycle sa Otis hinahayaan lang ng traffic enforcer?

REKLAMO k lng po sna ung mga tricycle d2 sa kahabaan ng Otis, dahil po sobrang trapik, s maghapon pasalubong pa cla palagi kahit n may nakalagay na karatula sa posteng Mendiola Extension at Mendoza na bawal cla doon. Malaya pa rin clang nakakadaan sa national road #+63942016 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *