Friday , November 15 2024

Sarili muna bago bayan?

USAPING BAYAN LogoMUKHANG mas mahalaga sa mga opisyal ng kasalukuyang administrasyong Aquino at Sandiganbayan ang tagumpay nila laban kay dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo kaysa sa interes ng bayan.

Ito ang palagay ng marami sa mga binitiwan na pahayag ng mga opisyal na ito kaugnay sa isang resolusyon ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention (UNWGAD) na nagsasabi na illegal at arbitraryo ang patuloy na pagkakulong ni Gng. Arroyo.

Ibinaba ng UNWGAD kamakailan ang resolusyon matapos ang masusi na pagdinig sa petisyon na inihain dito ng international human rights lawyer at kaibigan ng pamilya Arroyo na si Gng. Amal Clooney. Hiniling niya ang pagpapalaya sa dating pangulo dahil ang patuloy na pagkakulong nito ay isa “human rights violation” umano.

Sumangayon ang UNWGAD sa posisyon ng abogada. Sinabi nito na dapat irekonsidera ng administrasyong Aquino at hukuman ang kahilingan ni Gng. Arroyo na makapagpiyansa “in accordance with the relevant international human rights standards and to accord Ms. Arroyo with an enforceable right to compensation… for the deprivation of liberty which already occurred.”

May kinakaharap na kasong pandarambong si Gng. Arroyo sa Sandiganbayan kaya ito detenido at hindi pinagpipiyansa. Gayon man, para sa UNWGAD ay walang basehan ang patuloy na pagtanggi ng kasalukuyang administrasyong Aquino na pagpiyansahin ang dating lider ng bansa.

Binaliwala’t niliit naman ng mga opisyal ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng Sandiganbayan ang resolusyon ng UNWGAD. Sabi nila hindi maaring makialam ang UN sa kasong kinasangkutan ng dating pangulo. Opinyon lang ang resolusyon ng UNWGAD at walang epekto kaya hindi raw “legally binding” ang desisyon. Idiniin pa nila na “non-bailable” ang kasong pandarambong.

Sa aking pagkakaunawa, bilang isang magaaral ng batas, ay nagiging bahagi ng batas ng bayan ang mga probisyon ng tratado na pinagtitibay ng pamahalaan at “legally binding” ang mga ito. Pero hindi ko na tatalakayin ang tungkol sa pagiging “legally binding” ng mga resolusyon ng UNWGAD.

Ngayon, bakit ko nasabi na laban sa interes ng bayan ang mga pahayag ng mga susing tao ni BS Aquino III at Sandiganbayan? Dangan kasi ay naghain ang ating republika sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ng isang “arbitration proceeding” laban si Tsina kaugnay ng mga pinagaagawan natin na teritoryo sa West Philippine Sea.

Maaring magdesisyon ang UNCLOS sa “arbitration proceeding” na ito na mali ang Tsina sa pagkamkam nito sa mga teritoryo natin pero dahil sa mga padalos-dalos na pahayag ng mga tauhan ni BS Aquino III at Sandiganbayan may panganib ngayon na walang mangyari sa inihain natin sa UNCLOS.

Sinasadya man o hindi, dahil sa mga walang pakundangan na pahayag ay nabigyan ng palusot ang Tsina kung paano hindi kilalanin ang desisyon ng UNCLOS. Maaring ikatwiran na rin ng Tsina na hindi “legally binding” at opinyon lamang ang ibibigay ng UNCLOS sa kaso natin.

Hindi pala maniniwala at walang balak sundin ng mga nasa pamahalaan ang desisyon ng UN kung pansarili nila na interes ang masasagasaan nito.

Nakalulungkot na ang puno’t dulo ng pamamahala ni BS Aquino III sa bayan at ng kanyang mga alipores ay mukhang nakasentro lamang sa pagbibilanggo kay Gng. Arroyo at mga kalaban nila sa politika. Sayang ang anim na taon nila sa poder.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna.

Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *