Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, masaya sa mga papuri ni Sylvia Sanchez!

101915 Ria atayde Sylvia

00 Alam mo na Nonie

KINUHA namin ang reaksiyon ni Ria Atayde sa FB post ng mother ni-yang si Ms. Sylvia Sanchez. Nagpost kasi sa Facebook kamakailan si Ms. Sylvia ng: “Wala lang kakaproud ka lang sobra anak, my potpot saya saya ko lang love u so much.”

Tinutukoy ng veteran actress ang magandang performance ng anak sa hit TV series na Ningning ng ABS CBN. Ayon kay Ria nakatataba ng puso ang post ng kanyang ina dahil gusto talaga niyang maging proud ang parents niya sa kanya.

“Nakakatuwa po at nakakataba ng puso. Goal ko naman po talaga is to make them proud and knowing that she’s proud of me makes me want to work even harder and do even better at my craft,” saad ng magandang aktres.

Nabanggit ni Ria sa panayam ko sa kanya na nakapasok siya sa showbiz thru audition dahil hindi uso sa pamilya nila ang palakasan.

“Nag-audition po ako for the role sa Ningning, pero ine-expect ko talaga na iisipin ng ibang tao na may palakasan. Kasi, ganoon naman po ‘di ba? Iniisip ng iba na lahat ay gumagamit ng koneksiyon.

“Pero nag-audition po ako rito. So, yun po ang pinanghahawakan ko ngayon sakaling may magsasabi na, ‘Nakapasok lang naman ‘yan dahil anak ‘yan ni Sylvia at kapatid ni Arjo.’ Sa akin hindi po ganoon, dahil alam kong nag-audition ako para rito,” diin niya.

Naalala ko tuloy ang nasabi ni Ms. Sylvia sa akin sa pagpasok ng kanyang mga anak sa showbiz.

“Sobrang proud ako kina Arjo at Ria, kasi pinagbubutihan at ginagalingan talaga nila ang kanilang trabaho.

“Ang palagi kong sinasabi sa kanila, be professonal, huwag pasaway, mahalin ang trabaho, mag-aral lagi sa mga role na ibibigay sa kanila, at respeto sa kapwa tao at mga kasama sa trabaho.

“Pangalawa sabi ko, maging professional kayo, ayaw kong makakarinig na nale-late kayo. Kasi, ako mismo ang sasapak sa inyo. Kasi, wala akong record na pasaway sa set, e.

“Kaya sabi ko nga, yung kabaitan ko, ‘yung pakikisama ko, ngayon ko lang na-realize na kapag nalaman nilang mabait si Sylvia, ang expectation nila ay mabait din iyong anak. So, kabit-kabit na iyon e, yung nanay mo ay ganito, kaya dapat ay ganito ka rin. Hindi ba?” saad pa ng premyadong aktres.

Si Ria ay gumaganap bilang Teacher Hope sa top rating TV series na Ningning sa ABS CBN na pinagbibidahan ng child star na si Jana Agoncillo.

Bukod kina Ria at Jana, kabituin din dito sina John Stevens de Guzman, Ketchup Eusebio, Tanya Garcia, Sylvia Sanchez, Vandolph Quizon, Nyoy Volante, Mercedes Cabral, Pooh, Freddie Webb, at iba pa.

Ano ang masasabi ni Ria sa taas ng ratings ng Ningning?

“Of course, super nakaki-kilig and nakaka-proud na patuloy kaming sinusuportahan ng viewers! Parang, nakakagana din po… iyong inspiration namin silang mga suking viewers ng Ningning, to do better and continue sa pagbigay ng magagandang kuwento sa kanila.

“Super grateful din po ako, kasi without the viewers, hindi po posible yun.”

Sinabi rin ni Ria na dapat na patuloy tutukan ang kanilang TV series sa Kapamilya Network dahil sa mga kaabang-abang na kaganapan dito.

“Marami pa pong magaganap sa Ningning, patuloy pa din siyang magiging realistic at nakakatuwa. May mga bagong papasok na character ulit kaya sana mag-abang po silang lahat para doon.”

Nakaka-excite?

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …