Monday , December 23 2024

BI employees nakakita ng ‘liwanag’ kay Justice Ad Interim Secretary Alfredo Benjamin Caguioa

Mison CaguioaTILA nagkaroon daw ng kaluwagan ang isip at parang nakasamyo sila ng sariwang hangin (kahit katabi nila ang maburak na Ilog Pasig) ang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) nang mabalitaan nilang itinalaga na ni Pangulong Noynoy si dating Chief Presidential Legal Counsel Alfredo Benjamin Caguioa bilang ad interim Secretary of Justice.

Siya ang kahalili ni Madam Leila De Lima sa Department of Justice (DOJ) na tumatakbo namang  senador sa ilalim ng Liberal Party.

Ayon sa mga empleyado ng BI, sana raw ay good riddance ang pagtakbo ni Madam Leila. Kasi naniniwala umano sila na si Ad Interim Secretary Caguioa ay magtatrabaho nang walang kinikilingan.

Sana raw ay mabusisi ng bagong kalihim ‘yung mga kaduda-dudang lifting order ng mga notorious foreigner sa Blacklist.

‘Yung napakaluwag na pag-iisyu ng visa-for-a-fee at quota visa at higit sa kahat ang kaduda-dudang hiring ng 200 Immigration Officers (IOs) na mukhang minadyik umano para umabot kay madam Leila bago siya mag-resign.

Meron kasing mga report na kahit lagapak sa qualifying exam at interview ay pilit pa rin ipinasok sa listahan ng 200 IOs.

Kaya nga raw nag-resign si Atty. Roy Ledesma as personnel selection board chairman ‘di ba?

At mukhang sinuwerte naman si Immigration Commissioner Siegfred ‘greencard’ Mison dahil napirmahan pa umano ang mga idiniga niyang hiring of 200 IOs.

Ang haba naman ng suwerte mo, ‘shoot & dribble’ ‘este’ Freddie Boy?!

Mukhang marami ring naisabit si Mison sa 200 IOs na ‘yan para pagbigyan ang request ng kanyang lady friend?

Magtrabaho naman kaya nang tama ‘yang mga nailusot ni Mison o magpapakuya-kuyakoy lang?!

By the way, ano na kaya ang nangyari sa mga empleyadong pinersonal at pinahirapan ni Commissioner Mison? ‘Yung ipinatapon doon sa malalayong lugar dahil hindi niya kursunada?

Sana lang ay mabusisi rin ‘yan ni newly appointed Secretary Ben Caguioa…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *