Monday , December 23 2024

Bigo sila Digong… o bigo sila!

duterteHANGGANG ngayon daw ay hindi pa rin maka-move on ang mga nabigong patakbuhin sa pagka-presidente si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Luhaan pa rin sila hanggang ngayon. At feeling nila ay pinaglaruan lang sila ni Digong.

Katunayan, patuloy ang pagkalat ng black propaganda laban sa magiting na alkalde.

Pero gaya nang dati, malinaw ang pahayag ni Digong.

Maaga pa lang ay sinabi na niyang wala siyang intensiyon na makipagkarerahan sa presidential race.

At isa tayo sa naniniwala diyan dahil kabilang tayo sa mahigpit na sumusubaybay sa mga pahayag ni Digong.

Noong magsalita siya sa isang panayam ng mga taga-telebisyon na ang unang nag-post sa social media ay ABS-CBN, nakita na natin ang sinseridad niya.

‘Yun ang totoong desisyon niya.

Kaya kahit ang daming posting sa social media na maghahain daw si Duterte sa last day of filing ng certificate of candidacy (COC) ay hindi na natin pinaniwalaan.

Hindi nalilimutan ng inyong lingkod na si Digong ay isang tunay na lalaki, sa isip, sa salita at sa gawa.

‘Yun nga lang, hindi ang mga kagaya niya ang nagwawaging Pangulo dito sa ating bansa. Bigla tuloy tayong naawa doon sa kung sino mang nagpakalat ng tarpaulin na Duterte-Cayetano (as in Te-Tano?)

Sabi nga ni Digong, “Yung isa baka ma-disqualify, ‘yung isa baka makulong, ‘yung isa baka-baka lang!”

Ang galing mo talaga Digong!

E baka kung makisali ka pa riyan, baka ikaw ‘yung maikategorya doon sa, “…baka-baka lang!” Wahahahahaha!

E pansinin n’yo naman kung sino ang mga kumausap kay Digong para tumakbo siyang presidente, puro malalaking negosyante na mayroong malalaking interes sa iba’t ibang industriya sa bansa.

Malalaking negosyante na gustong maging “KINGMAKER” pero ‘yung mga batayang pangangailangan ng mga manggagawa at empleyado nila ay hindi man lang maitaas ng pamantayan.

Tapos gustong mambola ng gagawin nilang Presidente?!

At si Digong pa, ang napili ninyo…

Kakapalsky naman!

O ‘yan ‘e di nakahanap kayo ng katapat?!

Hay naku, kung alam mo lang Digong kung ano ang nasa likod niyan, at kung ano ang nasa isip ng mga nag-aalok sa iyo…

Kaya dapat magsaya ang sambayanan, dahil bigo sila Digong, o bigo sila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *