Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, special request si Piolo sa MAJAsty concert

102015 Maja Salvador piolo pascual

00 SHOWBIZ ms mINI-REQUEST pala talaga ni Maja Salvador si Piolo Pascual para maisama sa mga special guest sa darating niyang concert na MAJAsty sa Nobyembre 13 sa Mall of Asia Arena.

“Kasi parang sa 13 years ko na sa showbusiness, simula pa noong nag-umpisa ako, parang walang pagbabago sa kanya (Piolo). Iba kasi si Papa P ‘pag kumakanta lalo na kapag kumakanta siya tapos tinititigan ka niya sa mata. Parang ang ganda-ganda mo,” nangingiting at tila kinikilig na paliwanag ng actress, dancer, at recording artist na si Maja. “So siyempre para mas ma-inspired naman ako, kailangan ko si Papa P,” giit pa ng aktres.

Sinabi pa ng aktres, na hindi raw si Maja ang makikita sa naturang konsiyerto kundi si Majasty. Bukod kay Piolo, makakasama rin sa kanyang concert sina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC De Vera, at Enrique Gil.

Ukol naman kay Coco Martin, ini-request din niya ito para mag-guest subalit araw din pala iyon ng taping ng Ang Probinsyano. “Malay niyo i-surprise niya ako,” umaasang sinabi ng aktres.

Natanong din ang dating boyfriend ni Maja na si Gerald Anderson kung inimbitahan din ba niya ito? Aniya, “Hindi ko na kailangan imbitahan, dapat bumili siya ng ticket… Sana bumili siya ng maraming ticket.”

Si Kim Chiu naman daw ay hindi pa niya nakaka-usap para maimbitahan ng personal. “Si Kim, nagkita kami pero hindi pa napag-usapan. Pero kakapalan ko po ‘yung mukha ko, bebentahan ko siya ng ticket,” nangingiting sabi pa nito na ang MAJAsty concert ay handog ng Jerica M. Aguilar Events Management at co-produced ng Pink Management and Productions Inc.

Ayon sa producer ni Maja, makaaasa ang fans ng aktres ng world-class show dahil bukod sa ikinokonsiderang over all performer si Maja, makakasama rin niya si Nesh Janiola ng Hotlegs at si Georcelle Dapat ng G Force bilang mga choreographer.

Napatunayan na rin naman ni Maja ang galing niya bilang recording dahil pawang bumenta ang dalawa niyang album, ang MAJA Believe at Maja in Love na agad naging platinum in no less than two weeks matapos itong mailabas. Nagkaroon na rin siya ng nationwide tour noong 2013, na umabot sa kabuuang 17 legs ang kanyang 10th  anniversary dance concert na Maja Unveils @10.

At bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, mapapanood din si Maja sa mga ilang lugar sa labas ng bansa. Makakasama ni Maja si Jericho Rosales sa Oct 23 sa Whilshire Ebel Theatre, Los Angeles, California at Chumash Casino and Resort, Santa Ynez, California sa October 30, at Pechanga Resort and Casino, Temecula California sa October 31.

Kasado na rin ang MAJAsty World Tour 2016 kasama sina Paulo at JC de Vera sa Feb 12 at 13, 2016 sa Cache Creek Resort at Casino, San Francisco, California.

Ang Maja Limitless Nationwide Tour ay magaganap sa Batangas City Coliseum sa December 12, Urdaneta Cultural and Sports Center sa January 16, 2016, at Legazpi Albay sa January 23, 2016.

Ang MAJASTY ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan na rin ng Id’Sisters Sanitary Napkins & Pantyliners gayundin ng KremTop Coffee Creamer at Petit Monde. Ang ticket ay mabibili na sa www.smtickets.com at lahat ng SM Ticket outlets.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …