Kung magtutuloy-tuloy ang magandang takbo nito sa takilya nangangahulugang nagustuhan ng publiko ang performances ng mga bida at supporting stars gayundin ang pagkakadirehe ng award-winning director na si Jun Lana.
Interesting kasi ang istorya ng The PreNup na tiyak kong marami ang naka-relate at nakakuha ng aral dahil inilalarawan nito ang epekto ng isang pre-nuptial agreement bago ikasal.
Sa social media, Twitter, Facebook, at Instagram, nagbubunyi ang mga nakapanood ng movie sa kilig pa more na dala nina Jen at Sam. Trending din sa Twitter ang first day showing nito dahil aprub na aprub sa netizens ang Pinoy na Pinoy na tema ng The Pre-Nup.
Bentang-benta na naman sa moviegoers ang galing nina Jen at Sam sa mga kilig scene nila sa movie. ‘Yung nakatutuwa nilang mga eksena sa New York City ay hinangaan ng manonood. Patunay lang na gumastos ng todo ang Regal Entertainment sa romantic-comedy film na nilahukan pa ng fun, laughter and romance mula simula hanggang sa wakas.
Marami ring lalaki ang tiyak na nahalina sa ganda ni Jennylyn sa screen habang ang mga babae ay guwapong-guwapo sa katauhan ni Sam. Bagay na bagay ang character nilang dalawa na isang kikay na babae at seryosong lalaki.
Maging ang mga supporting star sa The Pre-Nup ay pinapalakpakan ang performances at pagbibitiw ng mga dayalog. Si Melai Cantiveros na lumabas na “sister” ni Jen, giba ang sinehan sa kanyang pagpapatawa! Damang-daman naman ang pagiging aristokrata ni Jaclyn Jose bilang ina ni Sam.
Ang lumabas na “magulang” ni Jennylyn na sina Gardo Versoza at Dominic Ochoa ay maraming moments din na ikinatuwa ng manonood.
Samantala, Graded B ng Cinema Evaluation Board ang The Pre-Nup at angMTRCB rating nito ay Parental Guidance.
Makisaya, maki-iyak, at ma-in love sa ultimate kilig movie of the year na The Pre-Nup!
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio