Tuesday , April 15 2025

Tao ang una sa tiket ni Malapitan sa Caloocan

“KUNG  may mga proyekto sila na hindi  natapos noong sila ang nanunungkulan kung kaya nais nilang bumalik, ‘wag na silang mag-alala dahil tinapos ko na lahat!”

Ito ang mariing pahayag ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan matapos ang  pormal na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) kasama ang buong tiket ng kanyang partido na “Tao ang Una,” kahapon ng umaga sa opisina ng Comelec.

Kasama ang libo-libong tagasuporta matapos ang isang banal na misa sa San Roque Church, dakong 8:00 ng umaga ay pormal na nagtungo sa opisina ng Comelec ang buong tiket ni Malapitan.

Ang partidong Tao ang Una ay binubuo ng mga politikong nagmula sa iba’t ibang political party na nagkasundo at nagkaisang magsama-sama para sa mamamayan ng lungsod.

Kabilang sa line- up ni Malapitan na mula sa United Nationalist Alliance (UNA) ay sina Cong. Egay Erice ng Liberal Party (LP) at Vice Mayor Maca Asistio III na mula naman sa Partido ng Masang Pilipino.

Makakatunggali ni Malapitan sa darating na 2016 election sa pagka-alkalde ang mga naunang naghain ng kandidatura  na sina dating mayor Recom Echiverri at dati ring mayor Macario “Boy” Asistio Jr.

Samantala, nagsumite na rin ng kandidatura si Congresswoman Jaye Lacson-Noel na tatakbo bilang alkade sa lungsod ng Malabon makakatunggali naman ni incumbent Mayor Lenlen Oreta.

Tiniyak ni Lacson-Noel na “Isang Mapagkalingang Pamamahala” ang tunay na layunin ng kanyang kandidatura upang maipagkaloob sa mga mamayan ng Malabon ang pamumunong bukas sa mata ng publiko.

“A government that serves, not one that oppresses” ang makahulugang sabi ng mambabatas.

Aniya, ang Malabon ay para sa mga mamamayan at hindi sa iilang pamilya lamang at pamamahalang magbibigay ng tapat na paglilingkod upang maiangat ang  pamumuhay ng mga tao.

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *