Friday , November 22 2024

“Tao Ang Una” hindi “Tayo Muna” sa tiket ni Oca Malapitan sa Caloocan

00 Bulabugin jerry yap jsyPANA-PANAHON ang pagkakataon, sabi nga sa kanta ng isang sikat na Pinoy folksinger.

Kaya kapag nabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa bayan ‘e gawin nang tama para magmarka ang pangalan sa pamamagitan ng mabuting gawa sa isip ng mamamayan.

Dapat “TAO ANG UNA” hindi ‘yung TAYO MUNA.

Kaya naman maraming taga-Kankaloo ang tunay na bumilib kay Mayor Oca Malapitan dahil ‘yan ang panuntunan niya sa paglilingkod sa kanyang mga kababayan — TAO ANG UNA.

Sabi nga niya, “Kung may mga proyekto sila na hindi  natapos noong sila ang nanunungkulan kung kaya nais nilang bumalik, ‘wag na silang mag-alala dahil tinapos ko nang lahat!”

O ‘yan, malinaw, tinapos na ni Mayor Oca ang mga backlog ninyo.

Sa loob lamang ng tatlong taon, naipatayo ni Mayor Malapitan ang eskwelahan, naipagawa ang mga kalsada na hindi kailangan lagyan ng inisyal ng kanyang pangalan.

Bukod diyan ang iba pang naipagawang proyektong impraestruktura ng alkalde — uulitin po natin — sa loob lang ‘yan ng tatlong taon.

Kasama ang libo-libong tagasuporta matapos ang isang banal na misa sa San Roque Church, dakong 8:00 ng umaga ay pormal na nagtungo sa opisina ng Comelec ang buong tiket ni Malapitan.

Pansinin din natin na malakas nag unifying factor ni Mayor Oca.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nabawasan ang matitinding bangayan ng mga politiko sa Caloocan at napagkaisa niya para sa serbisyong TAO ANG UNA.

Balita natin ay dalawang ex-mayors ang tumapat kay Mayor Oca…

Tama nga ang sabi niya, mukhang may gustong balikan ‘yung dalawang “EX” kaya gusto pang kumandidato ulit.

Abangan natin kung mayroon pa silang masusungkit na boto.    

1602 deadma lang kay Pasay Police Chief S/Supt. Joel Doria

Sikat na sikat pala itong isang alyas Sarhen-TONG LITONG na nakatalaga riyan sa Pasay police.

Totoo kaya ang balita na masyadong popular si SarhenTONG Litong dahil napaka-ge-nerous niyang maghatag ng payola linggo-linggo?!

 Hindi lang sa Pasay police, siya rin ang itinuturong naghahatag sa Southern Police District Office (SPDO), NBI, NCRPO at GAB.

At ‘yang mga hatag na ‘yan ay galing umano       

sa bookies ni alyas Roderick at Nestor Barurot na may lagayan ng karera ng kabayo sa sabungan ng Pasay.

Ganoon din sa kalye M. Santos, Lakandula, Dandan, Alvarez, Villaruel, Capitol at sa likod mismo ng PCP 3 ng Pasay.

Alam mo ba ‘yan PCP3 chief, Kupitan este Kapitan Terte?!

Sa palengke ng Libertad sa Leveriza, sa Hembrador at sa Cabrera, malapit sa Offtruck sa Vergel, sa Muñoz sa Salud, at sa Maginhawa. Sa Tramo, Zamora at Tengco.

Sa lahat ng loteng na bookies na ‘yan, isang alyas Bong Jose ang sinasabing management sa Pasay.

Kaya naman pala very happy si Sarhentong Litong.

Ang tanong lang, bakit DEADMA si KERNEL DORIA sa talamak na 1602 na ‘yan?!

Pakisagot na nga po!

BI official bad shot sa mataas na opisyal ng Malacañang

ISANG mataas na opisyal daw ng Palasyo ang buwisit na buwisit sa isang Immigration official na ang diskarte ay ‘salisi.’

Salisi as in, gustong salisihan ang utol ni Palace official.

Akala raw ni Immigration official ‘e pwede niyang magamit ang utol ni Palace official para ma-retain sa kanyang puwesto.

E knowing the girlalu na utol ni palace official, kahit na may abs ka pa kung wala ka namang dating, sorry ka na lang.

Ang huling balita, panay pa rin daw ang text ni Immigration official sa utol ni Palace official pero wala namang reply.

Hindi kaya nakahahalata si Immigration official na hindi siya type ng utol ni Palace official?!

Hoy tablan ka naman!

Dating squatters sa Onyx na ini-relocate sa Laguna bumalik na naman?!

KA JERRY, sana magawi kayo rito sa Onyx. Wala na kaming madaanan dito, dahil ‘yung mga dating squatter dito na ini-relocate sa Laguna, nagbalikan na naman. Malapit na naman daw kasi ang eleksiyon kaya pinayagan daw sila ng city hall na magtayo ulit ng barong-barong. Pagkatapos daw ng eleksiyon, ihahatid na raw sila pabalik sa Laguna. Mukhang naka-BIOMETRICS na lahat sala dahil kompiyansang-kompiyansa sila na makaboboto sa eleksiyon. Pakitawag po ang pansin ng COMELEC! Salamat po. ‘Wag na po ninyo ilathala ang numero ko.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *