Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxanne, kinabahan sa muling pagharap sa kamera

101615 Roxanne Guinoo

00 SHOWBIZ ms mTILA napagod na si Roxanne Guinoo na gumanap na bida kaya naman nasabi niyang sa pagbabalik-showbiz ay nais naman niyang makagawa ng kontrabida role.

At sana raw ay makatrabaho na niya ang kanyang idolong si Judy Ann Santos.

Limang taon ding nawala sa limelight si Roxanne simula nang mag-asawa kaya naman aminadong tila nangangapa at medyo kinakabahan sa pagbabalik-showbiz. At sa kanyang muling pagharap sa kamera, mapapanood siya sa panghapong handog ng ABS-CBN, ang Walang Iwanan na pinagbibidahan din ng limang magagaling na bata, sina Louise Abuel, Micko Laurente, Jon Michael, Raikko Mateo, at Karla Cruz.

Ang Walang Iwanan ay ukol sa magkakapatid nina Jose na gagampanan ni Abuel na nakilala sa kanyang pagganap bilang ang batang karakter niJake Cuenca sa Ikaw Lamang. Ngayon, gagampanan niya ang isa sa limang anak nina Roxanne at Jhong Hilario na hindi nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal ng ama dahil bunga siya ng naunang relasyon na ina sa ibang lalaki.

Ayon kay Roxanne sa presscon ng Walang Iwanan, ”Isa lang naman ang pangarap kong makatrabaho si Ate Juday, gusto ko siyang makatrabaho,”giit nito na mapapanood na simula October 19.

“Kung puwedeng kontrabida, bida-kontrabida, challenge ‘yon. Kasi ‘yun ‘yung role na hindi ko nagagawa ever since, puro na lang bida, puro iyak o mabait,” giit pa nito at sinabing hindi big deal sa kanya kung hindi na siya bida sa gagawing teleserye.”Ang gusto ko nandiyan lang ako, hindi ako (after) fame or anything. Gusto ko itong ginagawa ko. Na-miss ko kasi ito.”

Makakasama rin ng mga bata sa Walang Iwanan sina John Estrada, Beauty Gonzales, at Nicco Manalo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …