Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA Players Affairs Office itinatag ni Narvasa

020415 PBANAGTATAG ang bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association na si Andres “Chito” Narvasa II ng Players Affairs Office kung saan puwedeng humingi ng tulong ang mga manlalaro, coaches at iba pang mga taong konektado sa liga tungkol sa kanilang mga problema.

Nagdesisyon si Narvasa na gawin ito pagkatapos ng huling sigalot ng ilang mga manlalaro ng Mahindra tungkol sa kanilang mga kontrata sa Enforcers.

Naayos din ang problema nang pumirma si Alex Nuyles ng bagong kontrata sa koponan habang nabigyan ang isa pang manlalarong si Mike Burtscher ng buyout.

“Any concerns, they can come to us,” wika ni Narvasa. “Any of their concerns they can come to us. If there will be no action hindi naman pwede yan. There has to be immediate action. It cannot drag on.

“The Players’ Affairs Office will open its doors to anybody that is involved in the PBA. It can even go down to the ballboy. Any concern. If he is feeling aggrieved then we will see how we can resolve them. This also trickles back even the former players; those who have retired. Even if they are retired if we can do something about it then why not?”

Samantala, sinabi rin ni Narvasa na magkakaroon ng ilang mga pagbabago sa mga rules ng laro para maging maganda ang takbo at maiwasan ang mga masamang tawag ng mga reperi.

Ilan sa mga ito ay ang deliberate foul na mas magaan ang parusa kumpara sa flagrant foul at ang pag-reset ng shot clock sa 14 na segundo pagkatapos ng offensive rebound.

“We’re back to playing the game (of basketball) as we learned it while we were growing up,” ani Narvasa. “They will most certainly allow our players to put their talents and skills on display, resulting in more exciting games that will be more enjoyable for the fans to watch.” (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …