Sunday , December 22 2024

P100-M droga nasabat sa NAIA; P50-M shabu kompiskado sa 5 chinese

1016 FRONTUMABOT sa P100 milyon ang halaga ng droga na nasabat ng Customs officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang limang bigtime drug dealer na pawang Chinese national ang naaresto makaraang makompiskahan ng mahigit 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon sa buy-bust operation kahapon sa Quezon City.

Iprinisenta kay Customs Commissioner Bert Lina at sa publiko ang P100 milyong halaga ng prohibited/regulated drugs sa 18 kahon mula Pakistan at India na idineklara bilang Pharmaceutical drugs at mga gamot.

Sinabi ni NAIA district collector Edgar Macabeo kay Commissioner Lina, ang importasyon ay kinabibilangan ng 18 kahon na may lamang 100,000 tablets ng Cytotec 200mg, 31,014 ng Valium 10mg, 27,000 tablets ng Xolmox , 24,000 tablets ng Ritalin, 27,492 tables ng Alprazolam at 7,000 ng Ambin 10mg tablets.

Ang Cytotec ay gamot na layuning mapigilan at malunasan ang stomach ulcers ngunit maaari rin magpasimula ng labor o induce abortion kaya ipinagbabawal ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) habang ang Alprazolam at iba pang klasipikadong dangerous drugs sa ilalim ng R.A. 9165, kaya kailangang kumuha ng importation permit mula sa PDEA, pahayag nina Col. Reggie Tuason at Executive Officer Sherwin Andrada, mga opisyal ng Enforcement Security Services and Anti Illegal Drugs Task Force.

Sinabi ni Macabeo, ang importasyon ay dumating sa Post Office at Miascor warehouse noong Mayo 24 at Hulyo 15, 2015 gamit ang ‘fictitious names’ katulad ng Jimmy Carter, Richo Marketing at Joey Requengco.

Sa kabilang dako, pinuri ni Customs Commissioner Bert Lina si Macabeo at kanyang mga opisyal sa pagkakakompiska sa nasabing mga droga.

Sinabi rin niyang karamihan sa mga biktima ay mga kabatang babae ng lipunan, hindi aniya mabibili ang Cytotec sa pharmacy kundi sa black market lamang sa presyong P500 ang isa, aniya.

Sinabi nina Lina at Macabeo na itu-turn-over ang nasabing mga droga kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Erwin Sangre Ogario.

Samantala, ang limang Chinese drug dealer ay naaresto ng mga operatiba ng PNP National Capital Regional Police Office–Regional Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kahapon.

Sa ulat para kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, NCRPO Director mula kay Chief  Insp. Roberto Razon, RAID, SOTG chief, kinilala ang mga nadakip na sina Zheng Yong, 30, single, residente ng 20 Roman Highway, Balangan, Bataan; Chang Cheng Xu, 41, residente ng 22 Soler St., Binondo, Maynila; Guo Weng, 46, residente ng 20 Roman Highway, Balanga, Bataan; at  Alexander Go Jua, 57, Filipino-Chinese, residente sa Park Avenue, Pasay City. Ang mga suspek ay pawang tubong Fukien, China.

Ayon kay Razon, dakong 6:25 a.m. nang arestohin nila ang mga suspek sa inilatag nilang buy-bust operation sa kanto ng EDSA at Congressional Ave., Brgy. Magsaysay (malapit sa Muñoz), Quezon City.

Dagdag ng opisyal, dinakip ang lima makaraang bentahan ng isang kilo ng shabu ang tauhan niya na nagpanggap na buyer.

Bukod sa nakompiskang isang kilo sa buy-bust, nakuha rin mula sa mga suspek ang siyam kilo pang shabu sa dala nilang kotseng Toyota Altis (ZRW851) at puting Hyundai Accent (ABG 6547).

33 katao timbog sa drug den sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad ang 33 katao sa pagsalakay sa isang pinaghihinalaang drug den sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Chief Inspector Patrick Ramillano, hepe ng Bulacan-Criminal Investigation and Detection Group (Bulacan-CIDG), nakatanggap sila ng impormasyon na talamak ang bentahan ng shabu sa naturang lugar.

Napag-alaman, sa silong ng bahay ng mag-asawang Rigor at Jenny sa naturang barangay nagaganap ang bentahan at paggamit ng shabu ng mga tulak at users.

Sa pagsalakay ay naaktohan nila ang 33 katao sa loob ng drug den kabilang ang isang buyer na si Henry Candel na sa mga sandaling iyon ay bibili sana ng shabu.

Nakompiska sa drug den ang 70 gramo ng shabu na tinatayang P240,000 ang street value, drug paraphernalia at isang improvised shotgun.

Kasalukuyang nakakulong sa Bulacan detention cell ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Law.

Micka Bautista

P2.7-M shabu narekober sa Bacolod Mall

BACOLOD CITY – Mahigit sa P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-6 sa buy bust operation sa labas ng isang mall sa Brgy. Mandalagan, Bacolod City, kamakalawa.

Dakong 7 p.m. nang mahuli ang isang Ritchie Villanueva, residente ng Manapla, sa labas ng mall makaraang nakuha ang package mula sa isang courier service company na naglalaman ng may 455 grams ng shabu o may street value na P7.3 milyon.

Ayon kay SO3 Jonah Mirador, ang team leader ng PDEA-6, isang buwan ang kanilang isinagawang surveillance kay Villanueva bago isinagawa ang operasyon kamakalawa ng gabi.

Pusher patay, 11 arestado sa buy-bust

PATAY ang isang drug pusher na miyembro ng Amalie drug group na res-ponsable sa pagtutulak ng droga sa Metro Manila makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (QCPD-DAID, SOTG) kamakalawa ng gabi sa Brgy. Holy Spirit, ng nasabing lungsod.

Samantala, 11 pang pusher at user ang nadakip at nakompiskahan ng 30 gramo ng shabu, paraphernalia, anim na motorsiklo, isang paltik na baril at isang sumpak.  

Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD director, ang napatay ay kinilala lamang sa alyas Onyok. Siya ay namatay noon din makaraan makipagbarilan gamit ang isang kalibre .38 baril.

Habang ang mga nadakip ay sina Marlon Apuad alyas Boss, 30; Arnel Apuad, 40; Angelo Fontaron, 33; Joel Constantino, 47: Rolando Yumang, 40; Rolly Roque alyas Jerome, 32; Ramil Del Mundo alyas Erick/Nognog, 43; Michael Lubiano, 30; Laarni Reyes, 33; Ernesto Villareal alyas Budah, 42; at Jocil Regulacion, 37-anyos.

Almar Danguilan

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *