NAGPAHAYAG na ng senyales ang teen show ng ABS-CBN na Luv U sa nalalapit nitong pagtatapos.
Sa huling episode noong Linggo ay tumagal ito ng isang oras at inaasahang ganoon din ang mangyayari sa mga susunod pang episodes ngayong buwan.
Ayon sa isang source sa Dos, tatapusin na ang Luv U sa katapusan ng buwang ito dahil nais ng mga direktor na sina Edgar at Frasco Mortiz na mas bigyang-pansin ang isa pa nilang pang-Linggong show ng Dos na Goin’ Bulilit.
Binanggit din ng source na ang papalit sa Luv U ay ang bagong drama show na 1G na tatalakay sa iba’t ibang mga problema sa bansa.
Magiging bida sa unang istorya ng 1G sina Zanjoe Marudo at Andi Eigenmann at magiging paiba-iba ang mga istorya buwan-buwan.
Tumagal ang Luv U ng halos tatlong taon at nanguna ito sa Sunday ratings na pang-hapon. Una itong iniere ng 3:00 p.m. at nalipat sa 5:00 p.m. pagkatapos na mawala sa ere ang The Buzz at pinalitan ng mga pelikula ng Star Cinema.
SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III