Nakatabla rito ni Allen sina Sid Lucero (Norte: Hangganan ng Kasaysayan) at Spanky Manikan (Alienasyon) para sa Best Actor award.
Ito na ang 9th Best Actor recognition ni Allen para sa pelikulang pinamahalalan ni Direk Jason Paul Laxamana. Sa kabuuan naman, 17th acting trophies na ito ng morenong aktor.
Last month ay nanalo rin si Allen sa 63rd FAMAS award para sa pelikulang ito at noong nakaraang June ng taong ito naman ay nakamit ni Allen ang una niyang Best Actor sa URIAN, para pa rin sa Magkakabaung.
Dalawang bagong pelikula ang dapat abangan sa talent na ito ni Dennis Evangelista, ang Iadya Mo Kami at Sekyu na parehong mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go.
Ang Iadya Mo Kami ay reunion movie nina Allen, Direk Mel Chionglo at ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Bukod kay Allen, kasama rin dito sina Ricky Davao, Eddie Garcia, Aiko Melendez, at Diana Zubiri.
Sa Sekyu naman ay kabituin niya sina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ng isa pang batikang direktor na si Joel Lamangan.
Bago matapos ang taon ay posibleng manalo na naman ng acting trophy si Allen sa iba ang award giving bodies. Goodluck sa iyo Allen!
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio