Saturday , November 16 2024

Leni Robredo: Walang dapat maiwan sa pag-unlad ng bansa

SISIKAPIN ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na walang maiiwang Filipino dahil mahalaga lahat.

“Nasa stage tayo sa ating bansa na marami tayong narating in terms of economic growth ngunit ang kulang dito ay pagiging inclusive,” giit ni Robredo.

“Ito ang ating magiging mission, to make sure na kung ano ang nararamdaman sa itaas, nararamdaman din sa ibaba,” aniya.

Nais ni Robredo na tiyakin na ang pangunahing serbisyo ay naibibigay sa pinakamaliit na tao sa pinakamalayong lugar.

Ayon kay Robredo, ang kanyang mga nabanggit ay pagpapatuloy lang ng kanyang pananaw sa paninilbihan mula nang maupong kinatawan ng Camarines Sur.

Paliwanag ni Robredo, isa sa mga susi para mangyari ito ay tulong na ibinibigay ng local government units (LGU).

“Naniniwala tayo na kapag nag-step-up ang local government units, ito ang sagot sa kahirapan,” wika ni Robredo.

“Ang LGUs kasi, parang sila ang basic deliverer ng services. Sa kanila umaasa sa basic services, kanila umaasa sa education at sa kanila rin ang livelihood,” dagdag niya.

“Marami nang LGUs ang nakagagawa nito ngunit kailangan rin kumilos ang iba pa para tulungan ang national government sa pagtugon sa kahirapan,” ani Robredo.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *