Saturday , November 16 2024

Joel Teves pormal nang naghain ng kanyang CoC

Joel TevesMASAYANG inihatid at sinamahan ng kanyang pamilya kasama ang maraming tagasuporta nang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC si Vice Mayor Henry Joel Teves para sa congressional seat ng partido UNA sa unang distrito ng lalawigan ng Oriental Mindoro kahapon ng umaga.

Si Teves ang kumakatawan bilang District Chairman ng partido UNA sa nasasakupan nitong walong bayan ng 1st District sa Oriental Mindoro. Bagama’t noon pa man, nakilala ang pamilya Teves sa pagiging pilantropo, binigyang-diin ni Teves na prayoridad niya ang magpasok ng mga investor sa lalawigan at hikayatin ang ilan niyang mga kaibigang mamumuhunan upang makalikha ng maraming trabaho para sa Mindoreño.

 Bukod dito, higit niyang palalawakin ang programa niya sa Edukasyon, ang libreng pag-aaral sa mga kapos-palad na kabataang Mindoreño sa Kolehiyo.

“Naniniwala ako na ‘Edukasyon’ ang susi na magpapaangat sa bawat mahihirap na kabataang Mindoreño para sa magandang bukas,” ani Teves.

Samantala, nanindigan ang buong slate ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan nang buong pagsuporta sa kandidatura ni Teves sa naturang posisyon.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *