Friday , November 15 2024

Chopsuey na chopsuey ang eleksiyon sa Pinas

00 Bulabugin jerry yap jsySA PAGHAHAIN pa lang ng certificate of candidacy (COC) kitang-kita na ang politika at eleksiyon sa ating bansang mahal ay parang putaheng Chopsuey.

Kung hindi man chopsuey ay parang pinakbet na lang!

 Hanggang kahapon ay patuloy na nagdadagsaan ang iba’t ibang uri ng kandidato sa iba’t ibang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Pero siyempre, ang inantabayanan nang marami, ang national office sa Intramuros, Maynila.

Mayroong naghain ng COC na sikat na sikat at llamadong-llamado sa labanan, mayroong mga trying hard and never heard, mayroong mga walang kadala-dala (‘yun bang paulit-ulit na tumatakbo pero paulit-ulit na natatalo kahit nakapartido pa sa ruling party), mayroong mga militanteng banderang kapos at iba pang mga jobless na gustong pagkakitaan ang puwestong masusungkit nila.

Unang-una sa mga naghaing presidentiable si VP Jejomar Binay at ang vice president niyang si Gringo Honasan.

Kasunod niyan ang kanyang senatoriable na si Ms. Alma “loveliness” Moreno na nangangarap na makatuntong sa mataas na kapulungan.

Wala naman masama kung mangarap ‘di ba?

Ang walang kadala-dalang si Ms. Risa Llamas ‘este mali’ Hontiveros na sa kalagitnaan ng pamamayagpag ng Liberal Party ‘e hindi nga nakalusot nakaraang 2010 election, ngayon pa kayang matatapos na ang termino ni PNoy?!

Si Cong. Roman Romulo y Shahani Soledad gusto rin maging Senador.

Si ex-Senator Kiko Pangilinan na bitbit pa ang misis na si Ate Shawie, kaya raw nananalo.

Naghain din sa Miguel  Zubiri.

Si Mark Lapid na sinamahan pa ng erpat na si Lito Lapid, na dapat singilin ng taumbayan dahil sa dami ng ‘binutas’ na swivel chairs sa Senado!? 

At ang mga never-heard at trying hard mula sa iba’t ibang propesyon pero hindi nagtagumpay ay nagtatangka ngayong maglublob sa ‘burak’ ng pamomolitika.

Tsk tsk tsk…

Sa dami ng mga naghain ng kanilang COC, dapat siguro ‘e gawin nang 48 ang bilang ng ating mga Senador.

Gaya nang dati, muli na naman silang ‘maglulubid ng buhangin’ sa kanilang hindi mabilang at paulit-ulit na pangakong ‘napapako.’

Ano kayang mayroon sa Senado at gustong-gusto nilang makakuha ng puwesto?!

Nanggaling na sila roon at alam naman nilang wala silang nagawa, tapos tuwing eleksiyon ay gustong balikan?!

Maawa naman kayo sa sambayanan!

Sa mga kababayan naman natin na hanggang ngayon ay nabibiktima pa ng mga politikong hidhid, mandarambong at puro bulsa lang nila ang iniintindi… lagi lang po nating alalahanin ang sinabi ni Heneral Luna — “Para kayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng isang puta!”

‘Yun lang po!     

Kotong Gang dapat tagpasin ni Yorme Erap

Kaliwa’t kanan  pa rin ang kolektong sa lahat ng sulok ng Maynila ng ilang tulisan sa Manila Police District (MPD) at city hall.

Hindi lang gambling lords ngayon ang iniikutan ng mga KOLEKTOR ng ilang unit sa Manila “Payola” este Police District at city hall kundi maging ang pobreng vendors na hilahod na sa bigat ng nakaatang na obligasyong tara y tangga para sa mga bidang bagman at bossing sa lungsod. Gaya na lang ng isang alias LINDA TALAK na walang kupas sa paniningil ng tong para daw maideliver sa task force organized vending.

Iba ‘yung kolektong na P50 bawa’t vendor ay may pansariling bulsa na P10 pa sa bulsa ni talak!

Sonabagan!!!

Isa pa rin itong si alias TATA JIMY na madalas inguso ng mga Divi vendors na siyang utak ng pangongotong sa kanila.

Itong si TATA JIMY daw ngayon ang may pinakamalaking kolektong na nagpapahirap nang todo sa mga pobreng vendor.

Ang notoryus na ‘delihensiya unit’ ni alias TATA KRISTONG, na isa rin sikat na sikat sa pangongotong.

Kahit itanong n’yo pa kay bagman Tata Robless at Tata Bher Nabarog!

Mayor Erap, hindi ko ho maintindihan kung ‘yan bang mga trusted man n’yo ay nagmamalasakit sa inyo?

‘E mukha kasing ang hinahanap ng mga tao n’yo ay mga taong magagalit at magbabawas ng boto ninyo!

Lagapak sa io qualifying exam pero pasado sa appointment! (Attn: SoJ Alfredo Caguioa)

Abot-langit ang sentimyento at ngitngit ng ilang mga nakapasa riyan sa hiring ng 200 immigration officers.  

Dapat lang daw na huwag na munang ituloy ang hiring na ito at hintayin ang bagong DOJ secretary dahil sandamakmak na katiwalian daw ang nangyari rito.

Napakarami raw ang sinasabing aplikanteng kalabog sa ibinigay na qualifying exam pero nakapagtataka na sila pa ang na-hire at nagawan ng appointment!

Anyare, Atty. Roy “Inang” Ledesma?

Akala ko ba, walang palakasan kaya ikaw ang inilagay diyan sa Immigration Personnel Selection Board?

Sabagay, ano pa bang bago?

Magtataka pa ba kayo ‘e kung iyong mga gas receipts at parking fee receipts nga e nagawang  i-hocus-focus  ng commissioner nila, iyang hiring pa kaya?

E isang example na nga lang daw sa hocus-focus na iyan ay ‘yung isang CA (contractual) riyan sa BI-MCIA Cebu na isang EUGENE GAGO ‘este’ GO ang napabalitang kulelat sa nakaraang qualifying exam pero himalang napili at nabigyan ng appointment sa DOJ as Immigration Officer 1.

In addition to that, kilalang reklamador daw pagdating sa trabaho at mala-Rod Navarro ang arrive sa Mactan airport?!

Saradong bata raw kasi ni Atty. Bunganga ‘este’ Tara kaya no wonder kahit kalabog-en-bosyo ‘e talaga namang napaboran!?

Eeeewww!!!

Kakahiya at garapalan naman na yata ‘yan?!

Alam nang buong madla na kulelat sa qualifying exam tapos siya pa ang nakapasok?

Sobrang kakapalan na iyan!

Isang panawagan lang para kay bagong Justice Secretary Caguioa, ipa-recall at i-review ulit ang listahan ng mga aplikanteng Immigration officer para magkaalaman na kung sino ang mga hindi karapat-dapat na nabigyan ng item na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *