Si Tito Boy ay dating Director General ng TESDA kaya naman hindi maiaalis sa kanya ang tumulong lalo na sa mga maliliit na mamamayan. Katunayan, pawang mga tribiker ang kasama niya nang magsumite ito ng kanyang CoC (certificate of candidacy) kamakailan. Ito raw kasi ang mga ito ang una niyang nais tulungan.
Wala mang artistang nakaagapay sa kanya ngayon para suportahan siya sa kanyang kandidatura, open naman si Tito Boy sa sinuman ang gustong tumulong sa kanya. Actually, sakaling iendoso siya ni Mother Ricky Reyes na nakasama niya sa pagtulong noon kaakibat ang TESDA, hindi raw niya ito tatanggihan. Pero sa ngayon, naniniwala siyang may kakayahan siyang makatulong sa ating bansa.
Maganda ang buhay ni Tito Boy at maganda rin sana kung ipalalabas ito saMaalaala Mo Kaya o Magpakailanman dahil tiyak na kapupulutan ito ng aral. Subalit wala pa siyang napipisil kung sino ang puwedeng gumanap ng kanyang talambuhay.
Aware si Tito Boy na tiyak na may mga magtataas ng kilay sa pagtakbo niya bilang presidente pero naniniwala siyang kaya niyang makapaglingkod at napatunayan na niya ito nang pamunuan niya ang TESDA na marami ang kanyang natulungan. Mahaba ang credentials ni Tito Boy at isa lamang ang nais niya, ang makatulong at makapaglingkod sa kapwa-Filipino.
Bagamat tatlong higanteng presidentiables ang makakalaban niya gaya nina Senator Grace Poe, Vice President Jejomar Binay, at Sec. Mar Roxas, hindi siya nakikiming harapin ang mga ito dahil malinis daw ang hangarin niya para sa bansang Pilipinas.
Aniya nga, ”Maki-baka, ‘Wag maki-baboy kadiri’.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio