Thursday , December 26 2024

Bakbakang Erap–Lim kaabang-abang sa Maynila 

Bato BalaniSA Maynila, magiging mainit ang sagupaang “Erap–Lim”…laban na talaga namang kaabang-abang!

Laging sambit ngayon ng mga pobreng Manilenyo, umaasa kami na ang mamumuno sa amin ay Lider na tunay na makatutulong sa aming mahihirap…”

Aba’y teka, bakit? Hindi ba nakatulong si Mayor “Erap” Estrada na inyo, na binansagan pa man ding… “Erap Para Sa Mahirap?” Bakit hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang hinaing at inyong daing?

Ang matinding bakbakang Joseph “Erap” Estrada at Alfredo S. Lim, ang inyong masisilayan sa nalalapit na eleksyon, partikular sa Maynila! Bagama’t kasama sa “race” si KABAKA Congressman Amado Bagatsing, aba’y bulong ng aking ‘Pipit’… “Saling-pusa lang ‘yang si Bagatsing!” Ha? Totoo ba ‘yang bulong mo, aking Pipit? Oo naman mga ‘igan, lalo pa’t tinanggihan ng “Liberal Party” si Cong. Bagatsing na maging “Standard Bearer” nila, at si dating Mayor Lim ang kinilalang “Standard Bearer” ng Liberal Party! Wow naman!

Sadya talagang okay na okey mga ‘igan, ang muling paghaharap ng Erap–Lim. Ito’y tunggalian ng parehong “EX.” Si Alfredo Lim ay ex–General ng pulisya, ex–Secretary ng DILG, ex–Senator ng Republika ng Pilipinas, ex–Chief ng NBI at ex–Mayor ng Lungsod ng Maynila!

Sa kabilang banda, si Joseph Estrada ay ex–Mayor ng San Juan, naging ex–Senator din ng Republika ng Pilipinas, ex–Vice President of the Philippines, ex–President of the Philippines din at EX–CONVICT!

He He He…

Nahatulan sa kasong pandarambong ang mamang.

Si Mayor Erap at si dating Mayor Lim ay kilalang kapwa mapagmahal sa mahihirap nating kababayan. Dahil dito mga ‘igan, binansagan nga si Joseph “Erap” Estrada bilang “ERAP para sa mahirap!” Ngunit, nagwakas umano ito mga ‘igan, nang magalit at tuligsain si Erap at akusahang mapagpanggap na makamahirap ng ating mga pobreng kababayan. Ang mga kapos-palad na “market vendors” ng Maynila ay nagsagawa ng pag-aaklas laban  sa hakbangin umano ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at City Council of Manila na ipagkatiwala sa mga pribadong kompanya ang mga palengke (Market) sa Lungsod ng Maynila! Ganon po ba? Sus, huwag naman sana! Magiging lalong kaawa-awa ang mga pobreng tindera! Hu hu hu…

Hindi lang ‘yan mga ’igan, maging ang panawagan, “ngayon lamang” ni Mayor Erap sa Manilenyo na libreng konsulta, libreng gamot, libreng operasyon at libreng laboratories para sa mga mayroong “Orange Card” at lehitimong taga-Lungsod ng Maynila,  ay masasabing isang pagkukunwari lamang at walang katotohanan.

Ang tanong nga rito ng mga pobreng Manilenyo ay kung bakit ngayon lang ang panawagang ito? Dahil ba nalalapit na ang eleksyon? Isipin nga naman ninyo mga ‘igan, magtatatlong taon nang nakaupo si Estrada bilang Mayor at magtatatlong taon na ring nagbabayad sa Ospital ang taga-Maynila, na dati’y libre noong si LIM pa ang Mayor!

Sa totoo lang po ito… saksi po ang aking mga ‘pipit’ d’yan… Sa kasalukuyan, imbes libre, de-kalibre ang namamayagpag na mga Alipores ni Kulapong sa Maynila! Ano ba ‘yan? Sabagay, ‘ika nga… “Weather–Weather lang ‘yan! 

Si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ay galit sa masasamang tao…sa magnanakaw, sinungaling at sa “drug pushers.” Kinilala at tinagurian siyang “Ama ng Libreng Serbisyo” at ‘yan ‘igan, ay tunay na nakamit ng sambayanang Manilenyo. Walang dudang umiral sa Maynila noon. Ang pag-aaral ng mga kabataan, mula elementary hanggang Kolehiyo ay libre sa Maynila. ‘Ika nga ni “Pipit–Ka Rolly G.”…Lingkod-Bayan Inyong Maaasahan (LIM) si Ka Fred Lim!

Ang “Mamang” ito’y nakapagpatayo ng apat (4) na ospital upang malagyan ang lahat ng Distrito sa Lungsod ng Maynila, sa katwirang makapagbigay ng LIBRENG tulong-medikal, na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, mahirap man o’ mayaman. Mantakin n’yong maging ang karatig Lungsod, tulad ng Navotas, Malabon, Caloocan, Quezon City, Mandaluyong Makati, Parañaque, Pasay, Pasig, Rizal, Bulacan at Cavite ay nakikinabang din sa programang pangkalusugan ng “Ama ng Libreng Serbisyo.” Kung saka-sakaling matigok (mamamatay) ang pasyente, sa dahilang oras na at tinatawag na ni San Pedro, awtomatikong libre ang pagpapalibing kay Lim! Aba’y sagad-serbisyo na po ‘yan! O di po ba! Saan ka pa mga ‘igan? Pa-LIM na ‘este Pili na!!!

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *