Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinky Ramos, pang-MMK ang life story! (Cake maker of the stars)

101415 Pinky fernando ramos

00 SHOWBIZ ms mNOON ay pangarap lang ni Ms. Pinky Fernando Ramos na makita sa TV ang kanyang cakes, pero ngayong nagkaroon na ito ng katuparan ay hindi raw siya halos makapaniwala. Si Ms. Pinky ang may-ari ng sikat na sikat na Fernando’s Bakery na kapag may mga showbiz event at birthdays ay kadalasang bahagi ng salo-salo.

“Hindi ako makapaniwala na makikita sa TV ang cakes ko. Excited ako kapag pinasasalamatan sa TV ‘yung Fernado’s Bakery, hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nafi-feel ko, excited pa rin.

“Dati nanonood lang ako sa ‘GMA Supershow’ ni Kuya Germs. Naisip ko na sana isang araw ay malagay din sa TV ang mga cake ko. Pero naisip ko, paano, dahil ang layo-layo nitong sa amin sa Bulacan,” saad ni Ms. Pinky.

Dagdag pa niya, ”Unang-unang cake na ginawa ko sa pelikula, ‘yung ‘My Bestfriend’s Girfriend’, kina Marian Rivera at Richard Gutierrez. Sa TV, ‘yung kay Jed Madela na nag-birthday sa ‘ASAP’, cupcake iyon. Sumunod ay kay Gary Valenciano, ‘yun ang unang-unang cake.

“Si Martin Nivera naman ang kauna-unahang ginawan ko ng letter cakes at standee na nakatayo na gawa sa cupcakes.”

Dahil sa kasikatan ng cakes ni Ms. Pinky, binansagan siya ni Martin bilang cake maker of the stars.

Nasabi rin niya ang difficulties na na-encounter niya sa business na ito.

“Marami, alam mo noong bagong-bago pa lang ako, noong nagsisimula pa lang ako, tinatanong nila kung saan ‘yung branch, sabi ko sa Bulacan, sa Baliwag. Tapos sasabihin nila, ‘Saan iyon?’

“So sabi ko sa sarili ko, sa tamang panahon darating din iyon—na makikilala itong bakeshop, tiyaga lang talaga ang kailangan,” nangingiting pagbabalik-tanaw pa niya.

Sila lang ba ang bakeshop na ang name ng may birthday ay naka-spell sa cake?

“Oo, naisip ko kasi iyon, dahil sabi sa ‘ASAP’ dapat ay laging hina-highlight ‘yung name ng may birthday. Iyong sa cupcake, inisip ko na ‘yung mga mukha nila. Naisip ko rin ‘yung cupcake na may name, may mukha at nakatayo. Tapos, ginagaya na nila ‘yung cupcake, kaya naiisp ko na gusto ko ‘yung cupcakes na may paa na parang tao na talaga.”

Ano ang sikreto kung bakit gusto ng mga artista at taga-showbiz ang kanyang cake? ”Mahalaga kasi sa akin na matuwa ang mga tao. Hindi lang basta mabigyan ko sila ng cake, may kasamang pagmamahal iyon. Kahit hindi nga nila ako pasalamatan eh, basta matuwa lang sila sa birthday nila.”

Ano ang nararamdaman na well loved siya sa showbiz? ”Napakasarap ng pakiramdam, higit pa sa nanalo sa jackpot! Talagang napakasaya ko.”

Kung isasadula ang buhay niya, sa MMK ba o sa Magpakailanman? ”Ang hirap ng tanong mo, sana parehas na lang, hahaha!”

Sino ang gusto niyang gumanap na Pinky Ramos?

“Si Maja (Salvador), para sexy! Pero parang malayo sa katotohanan!” pabirong saad ni Ms. Pinky. Pagpapatuloy pa niya, ”Kasi napakabait niya at hindi siya nagbabago. Kahit ako’y pagod na pagod, kakalabitin lang ako ni Maja at naaalis na agad ang pagod ko.”

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …