Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA board magpupulong ngayon (Tungkol sa Gilas)

101415 GILAS PILIPINAS PBA
GAGAWIN ngayong araw ang espesyal na pulong ng Board of Governors ng Philippine Basketball Association (PBA) tungkol sa magiging susunod na plano ng liga para sa Gilas Pilipinas.

Pangungunahan ng bagong tserman ng PBA board na si Robert Non ng San Miguel Corporation ang nasabing pulong na gagawin sa opisina ng liga sa Libis, Quezon City, kasama ang pangulo at CEO na si Atty. Chito Salud at ang bagong komisyuner na si Chito Narvasa.

“I don’t want to preempt the board. The special meeting tomorrow (ngayon) will talk about just one topic – Gilas,” wika ni Salud sa press conference ng liga kahapon sa Manila Diamond Hotel. “The board, through the leadership of chairman Non, will come out with a clear-cut, unambiguous position on this.”

“I don’t think there is any restraint from any of the governors,” dagdag ni Narvasa. “As far as I’m concerned, the PBA is fully supportive of all the efforts of the SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) in international competitions.”

Matatandaan na unang sinabi ng pangulo ng SBP na si Manny V. Pangilinan na sasali ang Gilas sa Olympic qualifying tournament sa susunod na taon kung sasang-ayon ang PBA sa pagnanais ng SBP na ipadala ang malakas na koponan para sa torneo.

Ang Olympic qualifying tournament ay para punuan ang huling tatlong puwesto para sa 2016 Rio Olympics.

Nakuha ng Gilas ang karapatang sumali sa Olympic qualifying pagkatapos na makuha ang runner-up na puwesto sa huling FIBA Asia Championships na ginanap sa Tsina kamakailan.

Nagbanta ang FIBA na paparusahan ang SBP kung hindi sasali ang bansa sa Olympic qualifying.

Samantala, idinipensa ni Chairman Non ang hindi pagsali ng crowd favorite na Barangay Ginebra San Miguel sa unang laro ng PBA Philippine Cup sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Imbes ay maghaharap ang sister team ng Ginebra na Star Hotdogs at Rain or Shine sa nag-iisang laro sa alas-5:15 ng hapon pagkatapos ng opening ceremonies sa alas-tres.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …