Monday , December 23 2024

Luhaan ang mga nangabigo kay Mayor Digong Duterte

duterteAYAW talagang maghulas ang bilib ng inyong lingkod kay Davao Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

Si Digong hindi lang macho sa pisikal na kaanyuan kundi hanggang sa kanyang paninindigan ay masasalamin ang ganyang katangian.

Siya yata ‘yung kapag nagsabing “oo” ay OO at ang “hindi” ay HINDI.

Alam nating marami ang nagbubuyo sa kanya para tumakbong presidente…

‘Yung iba ay tunay na naniniwalang mayroon siyang magagawa para sa bansa.

Pero ‘yung iba, mukhang balak lang gamitin ang ipinundar niyang pangalan.

Kaya sa ikalawang pagkakataon nang ideklara ni Digong Duterte na hindi siya tatakbong presidente, tila nakita nating ‘bumaha ang luha’ ng mga naunsiyami at umasang magbabago ang isip ni Duterte sa kanyang naunang pahayag.

‘Yun bang tipong jingle na jingle na pero pinigil kaya biglang binalisawsaw?! Ang sakit no’n ‘di ba?!

Parang gusto nating ma-imagine ang paglaylay ng malalapad na balikat…

Ano sa palagay ninyo, Mr. Lito “Bigas” Banayo?!

‘E bakit naman kasi ayaw tantanan si Digong?!

Ang linaw naman ng isip at paninindigan no’ng tao. Ayaw niyang manloko ng kapwa.

Kung sa lokal lang ‘yan, walang problema, alam niyang epektibo niyang mapapamunuan ang kanyang mga kababayan.

‘E kung sa national level nga naman, alam na alam niyang hindi naman presidente ang kailangan ng mga ‘tunay na makapangyarihan’ kundi ‘puppet’ na mapasusunod sa mga gusto, probetso at kapritso nila.

Kaya niyang labanan ang sistemang ganito pero alam niyang madugo at mas malaki ang maisasakrispisyo.

Marami kasi tayong mga kababayan, na magaling at matapang magsalita pero kapag harapan na, unang-unang nagiging ‘BOY AREGLO.’

Kahit itanong pa ninyo kay HENERAL LUNA.

Sabi nga ng magiting at matapang na heneral: “Para kayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng isang puta!”

Ganyang-ganyan tayong mga Pinoy kapag eleksiyon.

Alam nating ang ultimong hangarin ng mga politiko ay ‘pagpuputa’ pero patuloy pa rin tayong naniniwala sa iniluluhog nilang ‘pag-ibig’ kuno sa Inang Bayan.

Pero si Digong Duterte, hindi siya maibibilang sa mga “putang nagluluhog ng pag-ibig.” 

Para sa inyong lingkod, si Digong ay isang genuine na LINGKOD NG BAYAN.

‘Yun nga lang, ang bulok na sistema ay laging naririyan para lamunin ang mga gaya ni Digong.

Sana ay dumami pa ang lahi at mga katulad mo, Mayor Digong…

Mabuhay ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *