Friday , November 22 2024

Daniel at Kathryn pinaiyak ang TV viewers ng kanilang teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” (Hugot kung hugot ang eksena)

100715 kathniel Daniel Kathryn
LAST Monday ay natututokan namin ang buong episode ng teleseryeng “Pangako Sa‘Yo,” na pumapangalawa sa may pinakamataas na rating sa mga ongoing primetime shows na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Honestly, noon pa man ay alam na natin na parehong mahusay umarte ang mga bida ng romantic drama TV series na si Daniel Padilla bilang Angelo at Kathryn Bernardo sa papel na Yna Macaspac.

Pero sa episode na ‘yon ay ginulat ng dalawa ang lahat sa pag-level up nang husto ng kanilang acting na pang-best actor at best actress sa madrama nilang eksena, na ramdam mo ‘yung pain sa mukha ng dalawang pusong nasasaktan. Lalo na sa tagpong pagkatapos magdesisyong makipaghiwalay ni Yna kay Angelo dahil pati pamilya niya ay nadadamay na sa pang-aapi sa kanila ng mother ng boyfriend na si Madam Claudia (Angelica Panganiban) kaya umalis na rin si Yna sa kanilang lugar kasama ang kanyang pamilya.

Dahil hindi kaya at hindi matanggap ni Angelo na magkakalayo sila ni Yna ay hinabol niya ito sa sasakyan. Walang dialogue si Kathryn dito pero walang tigil ang agos ng luha ng dalaga sa eksenang habang kinakausap siya ni Daniel at pinipigilang umalis.

Pero hindi nito natiis ang nobyo kaya pinara niya ang sasakyan at pinuntahan si Angelo na nakayuko at lumong-lumo sa nangyari sa kanila ni Yna. Maging si Daniel ay napaiyak sa tagpong ito habang kinakausap siya ni Yna at ramdam ang hugot ng bawat isa lalo na nang magpalitan sila ng dialogue, “Ayokong isipin na hindi na ako babalik. Lumalayo ako ngayon para magpakatatag, para mas maging malakas. Hintayin muna natin na mas maging okay na ang lahat, hintayin natin na humupa na itong pangyayari sa pamilya mo, sa pamilya ko,” sabi ni Yna kay Angelo at dagdag ng dalaga, “Siguro mas tama na hihintayin ang tamang panahon, na mas maging okay na tayo,” sagot naman ni Angelo sa minamahal, “Paano Yna,

‘pag hindi na dumating ang panahon na ‘yan?” “Hindi ko alam, sey ni Yna. Pero gusto kong maniwala na magiging tayo ulIt. Nagtitiwala ako sa ‘yo, nagtitiwala ako sa pagmamahalan na meron tayo.”

Masakit man sa kalooban ay nagparaya ang binata sabay bitaw ng linyang, “Hindi ko ito gusto, rerespetOhin ko ang desisyon mo. Maghihintay ako alagaan mo ang sarili mo,” na tinugunan ni Yna nang “Ikaw din.” Sino ang hindi tatablan sa batuhan ng dalawa, na punong-puno ng emosyon kaya naman marami silang pinaiyak na TV viewers sa kanilang episode na may hashtag na #PSYHiwalay na nagtala ng mataas na rating na 36% mula sa Kantar Media: National TV Ratings NA tinalo nito ang rating na 15.7% ng katapat na show sa kabilang network.

Certified Teen King and Teen Queen gyud!

“On the Wings of Love” umani ng papuri dahil sa pagtampok ng OFW issues
“OTWOL” FEVER DAMANG-DAMA WORLDWIDE EXTENDED HANGGANG 2O16

101315 JaDine

Mas maraming Filipino ang nagkakaroon ng “OTWOL” fever pati abroad dahil sa top-rating Kapamilya primetime serye na “On the Wings of Love” na pinangungunahan nina James Reid at Nadine Lustre, ang isa sa mga hottest love teams ng bagong henerasyon.

Tuwing gabi, nakatutok sa mga telebisyon ang libo-libong OTWOListas para subaybayan ang kuwento nina Clark at Leah at kung paano nila lalabanan ang mga hamon sa kanilang pag-iibigan.

Dahil sa hatid na kilig ng serye at magandang kwento, laging nakapagtatala ang “On the Wings of Love” ng matataas na ratings nationwide simula nang umere ito. Ang mga OTWOListas naman na hindi nakapanood ng episode o ang mga gustong panoorin muli ang kanilang paboritong eksena sa serye ay naglalaan ng oras para mag-marathon sa iWant TV. Dahil dito, ang “On the Wings of Love” ang pinakapinanood na programa sa iWant TV na mayroong 3.7 million page views para lang noong Setyembre. Bukod sa serye, nagkakaubusan na rin ng “On the Wings of Love” collectibles.

Ayon sa The ABS-CBN Store (abs-cbnstore.com), consistent bestseller ang “On the Wings of Love” pillows at iba pang merchandise sa kanilang store at pati online, habang dinagsa naman ang pre-orders para sa couple rings na base sa serye. Isa pang hindi pinalampas ng mga OTWOListas ang “On the Wings of Love” official scrapbook na dinumog ng tinatayang 4,000 fans.

Sa loob lamang ng ilang linggo, sold out na ang 10,000 copies ng scrapbook at ngayon ay nasa second printing na ito. Kahit sa social media, tumitindi rin ang “OTWOL” fever. Laging trending topic worldwide ang “On the Wings of Love” na pinupuri at pinag-uusapan bawa’t araw ng mga netizens.Pati mga sikat na personalidad ay hindi nakatakas sa “OTWOL” fever. Ang unang mga nagpahayag na sila ay certified OTWOListas ay sina Vice Ganda, Bernadette Sembrano, Marvin Agustin, Luis Manzano, Kyla, director Badji Mortiz, Kat de Castro, at ang basketball star Paulo na si Hubalde Ilan.

Humahanga na rin sa serye sina Bianca Gonzalez, Myrtle Sarrosa, John Lapus, Kiray Celis, Darla Sauler, UAAP volleyball stars Mika Reyes, Gretchen Ho, at si direk Jose Javier Reyes, na scriptwriting teacher ni Antoinette Jadaone.Dahil sa pagtalakay nito ng madamdaming OFW issues, umabot na rin sa ibang bansa ang “OTWOL” fever.

Sa interview sa “TV Patrol,” ibinahagi ni James na tinatawag silang dalawa ni Nadine na Clark at Leah ng mga fans nila sa “ASAP20 Live in London.”

“Base sa research ang mga OFW issues na tampok sa serye dahil gusto naming maging realistic ang pagtalakay naming dito. Humingi ng tulong ang Dreamscape sa research team ng ABS-CBN sa North America at nalaman naming na ang OFW issue pala ay iba-iba kada state sa US,” ani executive producer Arnel Nacario.

Kamakailan, pinuri din ng Philippine Daily Inquirer ang “On the Wings of Love” dahil sa OFW representation nito at sa pagtampok ng iba’t ibang mga problema ng overseas Filipinos.

Bumuhos ang mga positibong reviews sa “On the Wings of Love” sa social media accounts ni direk Antoinette Jadaone. Sa Twitter, nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagbigay ng mabubuting mensahe.

Mas magiging kapanapanabik naman ang bagong hamon sa pag-iibigan nina Clark at Leah na biyaheng Filipinas na.

Sa bagong kabanata ng “On the Wings of Love,” mapapanood kung paano magsusumikap si Clark para suyuin ang tatay ni Leah na si Mang Sol (Joel Torre) na nagalit nang malamang nagpakasal si Leah ng wala siyang kaalam- alam.

Mapapanood rin ng OTWOListas ang ibang kaabang-abang na eksena tulad ng pagmaneho ni Clark ng jeepney ni Mang Sol sa unti-unti niyang pagkamulat sa kulturang panliligaw ng mga Pinoy.

Magkakaroon na kaya sina Clark at Leah ng happy ending sa Filipinas? Huwag bumitaw sa mas nakakikilig na kwento nina Clark at Leah sa “On the Wings of Love,” na extended hanggang next year sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook, Twitter, at Instagram ng Dreamscape Entertainment Television.

 

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *