Aries (April 18-May 13) Ang pansamantalang pag-iisa ay makabubuti sa iyo. Makaiisip ka nang higit na epektibong ideya.
Taurus (May 13-June 21) Huwag magmamadaling agad na magtrabaho nang maaga dahil simpleng gawain lamang ang iyong dapat tapusin.
Gemini (June 21-July 20) Bunsod ng iyong moods, ang kasalukuyang plano ay magkakaroon ng mga pagbabago.
Cancer (July 20-Aug. 10) Itigil na ang pamumuhay sa nakaraan. Harapin ang kasalukuyan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maging matapang sa pagharap sa buhay at huwag matatakot kung magkaroon man ng mga pagkakamali.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi dapat ganap na magdepende sa mga partner. Maaari silang magbago, at ganoon ka rin.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring kailangan mong magpahinga para matamo ang panibagong lakas.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang iyong kutob ay makatutulong sa pagbusisi sa mga isyu.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kailangan mo ng emotional comfort. Bagama’t hindi ka ganap na mapapayapa, maaari namang mapahupa nito ang iyong sikolohikal na problema.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring hindi mo nagugustuhan ang lahat sa iyong araw-araw na routine work.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Mainam ang sandali sa pagtanggap kabiguan sa personal man o sa material na bagay.
Pisces (March 11-April 18) Maaaring agad kang masanay sa mga pagbabago dahil sa iyong determinasyon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag lulunurin ang sarili sa alak dahil sa problema. Ang higit mong kailangan ay kaibigan na mapaghihingahan mo ng iyong saloobin.
ni Lady Dee