Friday , November 15 2024

Sino si Honeyrose ni BBM?

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI po siya girlfriend ni GOLDFINGER o ni Agent 007 James Bond.

Ang tawag sa kanya ng mga friends in media ni Senator Bongbong Marcos (BBM) ay Ms. OPM as in “Oh Promise Me” raw.

Nagpakilala raw si Honeyrose sa mga katotong nag-cover nakaraang Sabado sa declaration ni BBM na siya ang humahawak ng PR ng senador na determinadong maging bise presidente at matubos ang pangalan ng kanyang tatay.

Natuwa naman ‘yung mga katoto natin, dahil outdoor ang activity ‘e kailangan talaga ng mga PR na kagaya ng nagpakilalang si Honeyrose as in OPM.

Just in case na kailanganin nila ng magandang photo op, madaling mag-request. Mas madali rin mai-guide para sa ambush interview at higit sa lahat inisip nila na nakahanda ang media group ni BBM sa pamamahagi ng kopya ng kanyang speech.

Heto ngayon, dahil hapon na at kailangan ihabol sa desk ang retrato at detalye, nagmamadaling nagkanya-kanyang balik na sa base ang mga nag-cover ng declaration ni BBM.

Nang tinatawagan na nila si Honeyrose a.k.a. OPM para itanong ang iba pang detalye aba ‘e biglang cannot be reached na.

What the fact?!

Anong klaseng PR o media relations officer ‘yan na hindi mahagilap kapag kinakailangan?!

Aba ‘e kung ganyang NEGATIVE agad ang dating ng PR ni BBM sa media people, ‘e paano pa sa mga susunod na araw?!

Hindi lang malamya kundi mahina ang PR ni BBM.

Kaya bang salagin ni Honeyrose a.k.a. OPM ang mga banat sa mga Marcoses kaugnay ng bansag na diktador ang tatay nila at Imeldefic ang nanay nila?!

Tsk tsk tsk…

E kung ganyan lang kalamya ang PR ni BBM malamang ‘e masayang ang pagpapagod niya para sa kampanyang ito.               

Unsolicited advice lang po, habang maaga ‘e pagdesisyonan na ninyo kung karapat-dapat ba si HONEYROSE sa trabaho at pagtitiwalang ibinigay ninyo.

Baka sa susunod ang pumutok nang isyu d’yan ‘e BUKULAN blues naman…

Araykupo!

Dragon ng korupsiyon tatagpasin ni Kid Peña

Tatapusin na raw ni Makati City acting mayor Kid Peña ang pamamayagpag ng ‘dragon ng korupsiyon’ ng mga Binay.

Aniya panahon na upang tulungan ang mamamayan ng Makati na itayo ang nadungisan nilang dangal.

Hindi na umano papayagan ni Kid Peña na mamayagpag pa ang ‘dragon ng korupsiyon’ sa kanilang lungsod.

Alam nating mabigat ang laban ni acting mayor Kid Peña.

Ang clout ng mga Binay ay hindi lamang hinabi sa isang magdamag kundi dinaig pa ang haba ng deka-dekadang pamumuno ng mga Marcos sa bansa.

Halos tatlong dekadang pinamunuan ng mga Binay ang Makati kaya hindi nakapagtatakang lumalim na rin ang kanilang impluwensiya, koneksiyon at ‘diin’ sa city hall.

Ang laban ni acting mayor Kid Peña laban sa mga Binay ay tila palayok na babangga sa aserong kawali…

Pero sabi nga, wala nang tatatag pa sa wagas na determinasyon lalo na’t kung pinag-iisipang mabuti ang laban.

Sulong KID PEÑA!

Drawing ba ang imbestigasyon sa pagtakas ni Cho Seong Dae???

Balitang nag-order daw ng all-out manhunt si “pabebe-Comm. Fred Mison laban sa pinatakas ‘este’ nakatakas na Korean fugitive Cho Seong Dae.

Hanggang ngayon daw ay hindi maipaliwa-nag nang maayos ng mga guwardiya sa BI Bicutan Warden’s facility ang pagkawala ng nasabing pugante kaya ganoon na lang daw katindi ang ginagawang pagreresolba sa misteryong ito.

Anak ng syokoy naman, Comm. Mison!

Akala ko ba matatalas at matitindi ang mga kulisap mo riyan sa Bicutan!?

Bwahahaha!!!

You’re really a funny guy, pabebe-Comm!

Ginagawa n’yo naman yatang bobo-lites ang mga tao sa paligid n’yo!?

Napakasimple lang makakuha ng lead para sa kaso niyan.

Bakit hindi mo ipa-produce ang CCTV recording ng BINOC?

Doon lang madali nang mate-trace kung paano malayang pinalabas o lumabas ng kulungan ang mokong na Koreano.

Hindi ba’t may CCTV camera sa gate ng BI Bicutan detention, ganoon din sa buong paligid ng pasilidad ninyo? So ano ang dahilan at nahihirapan kayong i-trace kung sino-sino ang mga involved diyan sa ‘pugaan blues’ na ‘yan?!

Kung talagang transparent ka sa mata ng lahat, ipakita mo sa media at sa madla ‘yang CCTV recording!

Sabagay mahirap talaga ilabas ang katotohanan kung parang may pinagtatakpan?

Magkano ‘este’ ano comment mo riyan, Col. Agtay?

Ngayon kung wala namang maipakitang recording ang BINOC sa mga pangyayari riyan, that only means na may lapses talaga pagdating sa security system ng minamahal mo umanong ahensiya.

‘E kumusta naman ang mga former kulisap ‘este’ ISAFP personnel diyan sa Bicutan? Na-relieve na ba silang lahat?

Siguro naman, dapat lang ‘di ba?

Balita kasi halos lahat daw ng mga naka-assign diyan e ga-bulugan na sa laki ang mga katawan dahil wala raw inatupag kundi lumapang at maghanap ng delihensiya?

Aba’y tigbakin mo na lahat ang mga iyan nang matauhan!

Sayang naman ang pinasusuweldo riyan mula sa express lane fund!

‘Yan e kung talagang wala kang pinagtatakpan, pabebe-Comm!

Pulis-nuwebe nagnenegosyo sa ilegal na droga!? (Attention: PDEA & Gen. Joel Pagdilao)

BOSS Jerry, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ‘yang pulis na ‘yan na nagngangalang B—— DL— ay pulis sa Maynila Station 9  anti-drugs, kaliwa’t kanan kung manghuli ng mga ibinubulong sa kanya na mga pusher at user, maganda ang hangarin sana ngunit napag-alaman namin na gusto niyang dominahin ang nasasakupan niyang lugar at mangalap ng mga tao na bibitawan niya ng consignment na sa kanya lang manggaling ang droga. ‘Pag hindi ka nakapag-remit sa kanya at sa tingin niya ay na-estafa mo siya tatrabahuhin ka at kakasuhan ng Section 5 at 11. Pwede n’yo po maberipika kc ang tao nya na certain ronnie@ ay nasa city jail na at ipinakulong nya, lahat ng mahuhuli nya binabangketa at pera-pera lang ang lakad. P200k ang hinihingi at kung wala itutuluyan ka. Pero P50k papayag pero tatanggalin lang ang Section 5 magpiyansa na lang daw sa Section 11. Ang ruta nito Singalong, Zapanta, Arellano at Estrada hanggang Osmeña Highway. Salamat po. Sana makarating sa kinauukulan kc marami na po itong hinuhuli na walang kasalanan at peperahan lang kc tatakutin ka na no bail ang ikakaso pag di nakapagbigay. Eve———@yahoo.com

MPD PS-9 commander Kernel Aquino Olivar sir, medyo mabigat ho ang akusasyon na ito na sa tingin ko ay dapat niyong pagtuunan ng pansin. Hihintayin ko ho ang inyong aksiyon sa isyung ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *